Hulyo 16, 2023

CANCER: (Hun. 2-Hul. 22) – Huwag patangay sa emosyon. Hindi dapat ibigay kaagad ang pagtitiwala, pag-aralan muna ang mga bagay-bagay. May pag-asang magtagumpay sa pag-ibig. Huwag lumagda ng kontrata o mahalagang kasulatan kung walang masusing pag-aaral. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 12, 23 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Paglabanan o iwaglit ang ugaling mapagpuna. Ang iyong ESP ang makakatulong sa paglutas ng problema. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 17, 22 at aquamarine.

VIRGO: (Ago. 23-Set. 23) – Makakatagpo ng bagong kakilala sa hindi inaasahang pagkakataon. May solu-syon ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 4, 14, 16, 28 at butter yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – May hihilingin ang minamahal, pagbigyan o pagmumulan ito ng sama ng kalooban. Ang naipangako ay dapat tuparin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 15, 20, 29 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Maging mahinahon sa anumang bagay para maiwasan ang tensiyon. Madaragdagan ang kikitain kung pagsisikapan. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 19, 25 at flame red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Mapapanatili ang harmoniya sa minamahal, tahanan, kaibigan at mga kasamahan. Kung may balak magnegosyo, ituloy. Lucky numbers at color for the day ang 9, 19, 26, 28 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Pagkakataon na pag-ukulan ng panahon ang mga pansariling binabalak. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ang 2, 14, 19, 39 at champagne yellow.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – May katuparan ang pangarap kung itutuloy ang binabalak. Ngayon magagamit ang mga natutuhan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 10, 19, 23, 29 at maroon.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Laging tandaan na daig ng maagap ang masipag, kaya huwag magpahuli. Nasa tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 10, 14 at peach.

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Anumang problema sa nakaraan ay may kalutasan ngayon, kung pagsisikapan na hanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 32 at magenta.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung ano ang nararamdaman, huwag ipagwalang bahala at ipasuri kaagad sa dalubhasa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 24, 39, 41 at fuchsia.

GEMINI: (Abr. 21-Hun. 21) – Magiging pikon ka ngayon kaya pairalin ang pagkamahinahon. Huwag pansinin ang mga biro at kantiyaw. Lucky numbers at color for the day ang 1, 5, 21, 24 at hot pink.

Show comments