^

Kutob

Mayo 3, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Huwag magpabigla-bigla sa aksiyon at desisyon. Matutuon ang atensiyon sa kalusugan o kung papaanong mapapaunlad ang buhay. Malaki ang magi­ging bahagi ng kapwa Taurus o Aries ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 27, 32, 35 at tangerine.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Mag-ingat sa mga gamit lalo na ang mga alahas at pera, itagong mabuti. Habaan ang pasensiya at dagdagan ang dedikasyon sa trabaho at pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 24, 31, 39 at ocean blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ingatan ang kalusugan. Walang problema sa aspeto ng pag-ibig. Maipapamalas ang pagka-artistic. Pag-aralan ang tungkol sa aspetong pinansiyal. Lucky numbers at color or the day ang 6, 21, 33, 35 at indigo.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Kalituhan ang hatid ng Gemini na maaaring pagmulan ng selos. Malaki ang magiging papel ng Capricorn sa hangaring mag-abroad. Lucky numbers at color for the day ang ang 19, 28, 31, 44 at dollar green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Malaki ang bahagi ng Pis­ces na may kinalaman sa pangarap, paglalakbay o promosyon. May magandang balita ang kapwa Virgo. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 23, 45 at maroon.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Maisasaayos ang suliranin tungkol sa pinansiyal. Hahangaan ng isang kapwa Libra, Leo o Aquarius dahil sa kahusayan sa pag-ayos ng sarili. Lucky numbers at color for the day ang 6, 8, 24, 44 at crimson.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Masayang pangyayari ang maaaring maganap. Magi­ging pinakamasaya sa pi­ling ng kapwa Scorpio. Hindi maiiwasan na magselos o pagselosan. Lucky numbers at color for the day ang 21, 29, 36, 42 at pink.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Kung may balak na maglakbay, maisasakatuparan ng walang sagabal. Ngunit hindi sa panahon ngayon.Mahahanapan ng solusyon ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 1, 20, 32, 39 at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magkakaroon ng mara­ming gawain. Pagtuunan ng pansin at dobleng pag-iingat ang ginagawa o gawain. Tapusin ang sinimulan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 25, 43, 45 at red.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung single, matutuon ang atensyon sa pagpaplanong mag-asawa o sa pagpapakasal. Maaaring magkaroon ng atraksyon sa isang Aries. Lucky numbers at color for the day ang 24, 28, 40, 43 at sapphire blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Malamang makasagupa ang isang Leo na magbibigay ng hindi makakalimutang expe­rience. Mapagtutuonan ang ambisyon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 25, 41, 43 at yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Malaki ang magiging bahagi ng isang kaibigan na maaaring ikaligaya o ikakalungkot. Ipokus ang atensiyon sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 37, 42 at white.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with