^

Kutob

Mayo 21, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Huwag asahan ang ano mang tulong mula sa iba. Sariling sikap ka ngayon. Ngayon mo mapagtatanto na mahalaga ang magsikap dahil sa pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 26, 31 at cream.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Malalantad ang katotohanan. Kung may itinatagong lihim sa iyo, malamang ngayon mo malalaman. Kung ikaw ay nagsisinungaling, madidiskubre. Turuan ang sarili na maging tapat. Lucky numbers at color for the day ay 5, 25, 31, 43 at light blue.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Mag-ingat dahil lapitin ka ngayon ng mga taong tuso, mapagkunwari at mandarambong. Maliban sa tunay na kilala, huwag basta magtiwala. Iwasang magsuot ng alahas o magdala ng malaking halaga. Lucky numbers at color for the day ay 7, 10, 24, 35 at tangerine.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung may itinatagong lihim, malamang mabunyag. Kung may utang, malamang sisingilin ka ngayon. Kung nagkautang, malamang mabayaran o mababayaran nang nangutang. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 38, 40 at green.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Ang problema sa pag-ibig ay malamang susulpot. Kung ito ay mangyayari, unawa at hinahon ang kailangan. Kung idaraan sa init ng ulo ang suliranin, malamang hahantong sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 34, 42 at purple.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Kung may balak magnegosyo at sisimulan ngayon, tiyak na matatamo ang kaunlaran. Kung may suliranin, makakatulong ang isang malapit na kaibigan o psychic. Maging masinop sa lahat ng bagay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 32, 45 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Iwasan na maging mapagpuna o mapanghusga. Kung ang masasaksihan ay hindi maganda, huwag magtaka dahil salamin ito ng sarili. Palitan ang magaspang na ugali. Umiwas sa bad influence na barkada. Lucky numbers at color for the day ay 4, 20, 28, 43 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Mag-ingat dahil ikaw ang gagawa ng sariling kapalaran. Kung may pagdududa sa ginagawa, huwag ituloy dahil babala ito ng kapalpakan o pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 31, 35 at orange.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Kung may naisip, gawin kaagad dahil may magandang resulta na naghihintay. Iwasan ang magpaliguy-ligoy sa gustong sabihin. Maganda ang araw na ito para sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 27, 38 at violet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Mag-ingat dahil magkakaroon ng balakid ang negosyo o transaksiyon. Kung may kakaharaping suliranin sa umaga, mag-relax muna at i-cancel o i-postponed ang mga appointments. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 18, 35 at apple green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Lubos ang pagka-charming look mo ngayon. Kaya huwag magtaka kung may manliligaw o hahanga. Magiging mabisa sa transaksiyon ang iyong pagkatao dahil kabigha-bighani ka sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 28, 36 at emerald green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung hindi mapaglalabanan, absent ka sa trabaho dahil sa katamaran o kaunting karamdaman. Wala kang iintindihin ngayon kundi sariling kapakanan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 27, 39 at pink.

vuukle comment

KUTOB MAYO 21

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with