Pebrero 2, 2016
Madam Rosa (The Philippine Star) - February 1, 2016 - 9:00am

Affirmation:  Puno ng kasiglahan ang pagkatao, lahat ay napapalingon. Kidlat ang pagka-shock, ito ang effect sa paligid ng super- sexy na resulta ng pag-e- experiment ng bagong anyo.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Pairalin ang kaaya-ayang ugali. Kabutihan ng madla ang dapat mangibabaw sa mga kilos at bibitawang desisyon ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 17, 27 at yellow.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Sulitin ang sitwasyon sa iyong kalahi kung saan ka man naroroon. Pag-aralan ang karunu­ngan at kapangyarihan ng kalahi sa kabutihan ng madla, kasama ito sa bubuo sa iyong pagkatao. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 45, 55 at scarlet red.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Paglilinis ng paligid ang pagkakaabalahan. Ang mabuting kalooban ang aakit ng suwerte kapag ikaw ay hindi mag-iinarte. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 44, 4 at blue.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Dagdagan ng konti ang sipag at tiyaga para paulanin ang biyaya. Iwasan ang kadamutan. Ang pagpapala ng Diyos ang susi ng iyong yaman. Lucky numbers at color for the day ay 7, 17, 31, 37 at citrine yellow.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Takdang panahon para isulong ang sinimulan.Kung may aberya, may darating na tulong. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 25, 35 at violet.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang lubos ang pagka-fabulous ang uubos sa mga taong nasa paligid mo. Mahalaga ang pagpapakumbaba para magpatuloy ang biyaya. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 31, 44 at brown.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang magpakatotoo, ang kailangan para maaakit ang kaunlaran. Pag-aralan ang salitang positibo, anuman ang salitang  mararanasan mo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 11, 21 at satin white.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Anuman ang nagawa sa nakaraan, ‘yan ang mararanasan sa kasalukuyan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 21, 39, 44 at dollar geen.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Sa proseso ng pagpapatawad, sarili ang inuuna. Nagmula ang lahat sa maling akala ng kalooban. Kapag naliwanagan, biyaya ang kusang darating. Lucky numbers at color for the day ay 11, 23, 27, 33 at red rose.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Kahit napapaligiran ng kalaban ang katotohanan, taglay ang  suportahan ng bayan. Sundin ang tama para sa iyong kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 22, 31, 37, 41 at apple green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Ito na ang nakatakda, tanggapin ang alok na kasal ng karelasyon. Masagana ang buhay kung  nakalaan sa tama ang gagawing aksiyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 21, 27, 31 at shocking pink.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Bigyang pansin ang teenager na kaanak. Kailangan niya ang gabay sa bagong pag-ibig. Huwag balewalain ang sidhi ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 39, 44 at tangerine.

ABRIL ACIRC AGOSTO ANG COLOR DAY DISYEMBRE ENERO LUCKY NUMBERS STRONG
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with