^

Kutob

Oktubre 28, 2010

- Madam Rosa -

Pagtitibay: Kahit anuman ang kaganapan sa buhay, meron itong kaakibat na positive na aral. Kapag natuklasan, ito ang mag-aangat sa buhay mo.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) - Alam ng kalooban at damdamin ang sariling limitasyon kaya iwasan ang magkunwari. Magpakahinahon dahil madali kang magalit sa biro, kantyaw o nangungulit. Dahil sa tindi ng pangangailangan sa pera, higpitan ang bigkis ng tali sa budget. Lucky numbers at color of the day ay 2, 7, 10, 17 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) - Trabaho at hanapbuhay ang siyang magiging pangunahing suliranin. Kung lalakarin ang nilalakad, tiyak may positibong resulta. Kung hindi gagawin ang iniisip, walang mapapala. Malakas ang kaunlaran sa relasyon. Lucky numbers at color of the day ay 16, 19, 37, 42 at strawberry red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) - Hahanap ng paraan na maging abala kahit wala gaanong gawain. Paglinis at pag-aayos ng tahanan, opisina o pinapasukan ang sagot sa hinahanap na ka­abalahan. Ang pangakong hindi natupad ay maisasa­katuparan kung pag-uukulan ng panahon. Lucky numbers at color of the day ay 3, 12, 18, 42 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) - Kahit mabagal o maliit ang simula, kung dadagdagan ang sipag at tiyaga ay malulusutan ang suliranin. Ilagay sa mahigpit na budget ang lahat ng gastusin. Magiging mainitin ang ulo at madaling magalit kung may mangungulit o magbibiro. Lucky numbers at color of the day ay 6, 14, 29, 36 at aquamarine.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) - Makakakita ng magandang pagkakataon upang magsimula ng negosyo. May pagkakataon na makahanap ng paraaan upang magkaroon ng seguridad ang sarili. Tatahakin ang tamang landas sa buhay kung makikinig sa payo ng mga magulang. Kung may kahirapan noon, ngayon ang simula ng kaginhawaan. Lucky numbers at color of the day ay 12, 18, 23, 33 at ruby red.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) - Laanan ng panahon ang pagpapahinga. Makakaranas ng tamlay ng katawan sa umaga ngunit kasiglahan naman sa hapon. Posibleng magalit at tumaas ang presyon dahil sa suliranin ng anak. Maaaring magkaroon ng panauhin. Lucky numbers at color of the day ay 11, 12, 38, 40 at aquamarine.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) - Ang nakalipas ay maaaring lumitaw muli na siyang ikagagalit. Ngayon ang pagkakataon na pagtuonan ng pansin ang pagreresulba sa suliranin ng nakaraan. Kung magiging mahinahon at hindi idadaan sa dahas at init ng ulo ang suliranin ay parang bola ito na biglang mawawala. Lucky numbers at color of the day ay 1, 12, 22, 30 at honey yellow.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) - Ang hindi pagkakaunawaan ng pamilya ay malamang mag­karoon ng landas sa pagkakaunawaan. Ang naka­raan ay malamang manumbalik at ihanda ang sarili sa kaga­lakan o kalungkutan. Ang alitan sa kaibigan o kasamahan ay maisasaayos kung nanaisin subalit lalala kung papabayaan. Iwasan ang magalit o magmura. Lucky numbers at color of the day ay 2, 7, 23, 39 at blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) -  Tamang panahon na hanapan ng solusyon ang suliranin. Harapin ang katotohanan, kung nagkasala, panahon na upang humingi ng tawad at kung may nagkasala panahon ng pagpapatawad. Kung magagampanan ang dapat tiyak, may kaunlaran sa kinakaharap. Lucky numbers at color of the day ay 10, 22, 24, 30 at brown.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) - Ang makipagsosyalan ay inaayunan ng panahon. Sa impluwensya ng panahon magiging masayahin at halos lahat ay walang suliranin. Magiging masaya ang makihalubilo sa mga kaibigan, kamag-anak o kasamahan. Lucky numbers at color of the day ay 21, 29, 35, 39 at brown.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) - Kung may balak na magpakasal, ngayon ang tamang panahon para ito ay pag-usapan upang matamasa ang kaligayahan ng pagsasama. Kung may balak na lumipat ng tahanan, ngayon gawin upang maging masagana. Kung may balak magbukas ng negosyo, ngayon dapat simulan upang maging maunlad. Lucky numbers at color of the day ay 3, 19, 20, 26 at electric blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) - Ang pagkamarunong at pagkaismarte sa mga gawain ay mapapansin ng tagapamahala o boss. Ang suliranin sa pag-ibig o trabaho ay kailangan ang pagpapakumbaba at pangunawa. Kung may pakukulang na nagawa, ang paghingi ng paumanhin o tawad ay nagpapakita ng kalinisan ng hangarin. Lucky numbers at color of the day ay 5, 14, 29, 41 at pearl pink.

vuukle comment

ABRIL

AGOSTO

COLOR

DAY

DISYEMBRE

KUNG

LUCKY

NUMBERS

PANAHON

SULIRANIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with