^

Kutob

Hulyo 20, 2002

- Madam Rosa -
CANCER (Hun. 22-Hul. 22) – Problemado man, makikilala naman ang tunay na mga kaibigan. Ang mga bagay na ito ay sapat na upang maging magaan ang susunod pang mga pagsubok. Lucky numbers at color for the day ang 1-19-25-37 at sky blue.

LEO (Hul. 23-Ago. 22)
– Maging maingat sa iyong pananalita nang hindi mapahiya o makasakit ng kapwa. Mag-ingat din dahil lapitin ka ngayon ng disgrasya. Lucky numbers at color for the day ang 9-18-26-39 at old rose.

VIRGO (Ago. 23-Set. 23)
– Pagbigyan ang kahilingan ng marami. Ito ang tanging paraan upang maiwasan ang samaan ng loob. Mahahamon sa kaibang pananaw ng kasintahan sa pakikipagrelasyon sa iba. Magpaliwanag kung kinakailangan. Lucky numbers at color for the day ang 18-24-34-40 at jade green.

LIBRA (Set. 24-Okt. 23)
– Ipalipas-tainga ang narinig. Huwag hayaang maging katatawanan ng lahat. Mapapatunayan sa lahat na ang pagiging kakaiba ay nararapat at hahangaan. Makagagawa ng isang bagay na hahangaan ng lahat. Lucky numbers at color for the day ang 4-15-28-33 at white.

SCORPIO (Okt. 24-Nob. 22)
– Iwasan ang pagiging agresibo dahil malamang na mawalan ng tiwala sa iyo ang mga tao sa paligid sa halip na mapalapit sa kanila. Matutong tumanggap ng kabiguan. Lucky numbers at color for the day ang 9-15-29-36 at blue.

SAGITTARIUS (Nob. 23-Dis. 21)
– Isiping kaya masaya ang minamahal ay dahil sa pagiging mapagparaya mo at hindi naging makasarili. Huwag mangamba dahil ang lahat nang ito ay kanyang nakikita. Lucky numbers at color for the day ang 7-14-21-38 at light blue.

CAPRICORN (Dis. 22-Ene. 19)
– Sa bawat araw na magdaraan ay makakaramdam ng pagkainip at pagkainis. Ito ang tamang panahon upang isakatuparan ang matagal nang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 19-20-33-41 at baby pink.

AQUARIUS (Ene. 20-Peb. 18)
– Suliranin sa pag-ibig ang magdadala ng katamlayan. Kung ito ay hindi mapaglalabanan, hahantong sa pag-iisip na sisirain ang sarili. Huwag mag-alala pagkat ang minamahal ay maaasahan. Lucky numbers at color for the day ang 5-18-21-37 at gray.

PISCES (Peb. 19-Mar. 20)
– Huwag mainis kung magiging makulit ang mga taong nakapaligid sa iyo dahil sadyang lapitin ka ngayon ng mga ganitong klaseng tao. Nais lang nilang may patunguhan ang iyong mga pinaghihirapan. Lucky numbers at color for the day ang 10-21-29-37 at oak brown.

ARIES (Mar. 21-Abr. 19)
– Isiping mabuti ang mga dapat gawing hakbang. Lalo lamang makakasama sa binabalak ang mga desisyong hindi pinag-isipan. Pag-isipang mabuti ang kalalabasan ng gagawin kung ito ay magbubunga ng kabutihan o kasamaan. Lucky numbers at color for the day ang 5-10-26-37 at lilac.

TAURUS (Abr. 20-May. 20)
– Magiging masaya ang susunod na mga araw. Ngayon ay matamlay ka. Umaksyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib o kimkimin ang sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan ng sarili. Maging tapat sa iyong damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 13-26-32-41 at light yellow.

GEMINI (May. 21-Hun. 21)
– Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Maging maunawain at ang lahat ng bigat na dinadala sa dibdib ay magluluwag lalo at ang minamahal ay kapiling. Lucky numbers at color for the day ang 20-27-35-42 at yellow orange.

vuukle comment

COLOR

DAY

HUL

HUWAG

ISIPING

LUCKY

NUMBERS

OKT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with