Kutob - Oktubre 7

LIBRA (Set. 24-Okt. 23) -- Ingatan ang relasyon sa mga kaibigan. Suriin ang taong pinagkakatiwalaan. Makipag-ayos sa mga kaibigang nakasamaan ng loob. Ang gawaing pagpapalakas ng pag-iisip ay inaayunan ng araw. Lucky numbers at color for the day ang 0-3-1-29 at peach.

SCORPIO
(Okt. 24-Nob. 22) -- Ang salapi ay ingatan at maglaan sa mga guguling pambahay. Magagawang maging makulay at masaya ang romansa. Madaling maiaayos ang problema. Sulitin ang kalagayang pinansyal lalo na ang patungkol sa buwis. Lucky numbers at color for the day ang 3-1-5-16 at beige.

SAGITTARIUS
(Nob. 23-Dis. 21) -- Ang matibay na pananalig sa Panginoon ay higit na makatutulong sa katuparan ng iyong hangarin sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 9-3-0-27 at neon green.

CAPRICORN
(Dis. 22-Ene. 19) -- Iwasan ang matali sa anumang pangako. Iwasan din ang anumang uri ng ispekulasyon. Maaaring sa ibang paraan ay madaragdagan ang iyong mga kinikita. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-8-38 at dollar green.

AQUARIUS
(Ene. 20-Peb. 18) -- Pabor ang araw para sa paglilinang ng kakayahan sa pampalakasan. Magiging marami ang gawain sa araw na ito. Mabuting ipaliwanag ang iyong kalagayan sa iyong mga kasamahan. Taglay ngayon ang kasiglahan ng kaisipan at katawan. Lucky numbers at color for the day ang 6-3-9-10 at sapphire blue.

PISCES
(Peb. 19-Mar. 20) -- Mapapasakamay ang iyong pinakananais. Ang ibayong kaisipan sa gawain ay magbibigay ng magandang bunga. Mapalad sa mga kaibigan na may mabuting kalooban. Pairalin ang malakas na disiplina sa iyong sarili. Lucky numbers at color for the day ang 8-3-6-27 at pink.

ARIES
(Mar. 21-Abr. 19) -- Ngayon ang araw na ang suliranin sa pag-ibig ay matatapos. Hindi duwag ang iyong pag-ibig at handa mong ipaglaban ang iyong katapatan. Madaling masaktan ang iyong damdamin sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 9-6-2-22 at cherry red.

TAURUS
(Abr. 20-May. 20) -- May pagkakataong maging mapakinabang ang paglalakbay maging sa malayo. May katapat na pakinabang ang pakikihalubilo sa mga kamag-anak. Huwag paaasahin ang tao sa mga pangako na hindi mo matutupad. Lucky numbers at color for the day ang 6-3-8-25 at peach.

GEMINI
(May. 21-Hun. 21) -- Hinihintay ng minamahal na tuparin ang naipangako sa kanya na ipapasyal siya at ipapanood ng sine sa araw na ito. Patuloy ang mabuting pagtitinginan sa loob ng bahay. Lucky numbers at color for the day ang 3-5-6-35 at scarlet.

CANCER
(Hun. 22-Hul. 22) -- Magiging higit kang maligaya at mapakinabang kung ang buong pagsisikap ay maiuukol sa tahanan. Mapapawi ang ilang problema na dulot ng kaanak. Magkakasundo at maipapamalas ang pagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ang 7-0-6-29 at turquoise.

LEO
(Hul. 23-Ago. 22) -- Hinahamon ng araw na ito ang iyong kakayahan. Tungo sa mabuting pakikibaka sa gawain, napapanahong ilabas ang kakayahan at istilo. May ligayang dulot ang pag-ibig at ang relasyon ay higit na mapagtitibay. Lucky numbers at color for the day ang 6-8-3-34 at empire gold.

VIRGO
(Ago. 23-Set. 23) -- Magiging abala sa iyong mga gawain. Lalakas ang tiwala sa sarili at magkakaroon ng positibong kaisipan sa gawain. Magpapatuloy ang progreso sa gawain at dapat itong ipagpasalamat sa Diyos. Kailangan ang pagtitipid ngayon para sa hinaharap. Lucky numbers at color for the day ang 1-9-6-21 at garnet red.

Show comments