Christian Bautista kumpirmadong Kapuso na
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 17, 2013 - 12:00am

Finally, totoo na ang pag-join ni Christian Bau­tista sa Kapuso Network. 

Matagal nang bali-balita ang paglipat ni Christian ng network dahil last year pa natapos ang contract niya sa ABS-CBN. Pero tinapos pa niya ang ilang commitments sa dati niyang network at napapanood pa siya doing some production numbers sa ASAP. Iyon pala ay inaayos na ang paglipat niya sa GMA Network. Kahit gano’n, mum ang mga taong close kay Christian at sabi ay wala silang alam tungkol sa negotiation. Pero ngayong Sunday, sa Party Pilipinas ia-announce na raw ang pag-join niya sa Sunday noontime show simula sa Sunday, March 24.

Sa tanong kung si Christian na ba ang papalit kay Ogie Alcasid sa Party Pilipinas dahil balitang lilipat na ang songwriter-singer sa TV5, wala raw katotohanan iyon dahil Ogie is Ogie. He is irreplaceable at wala pa namang katiyakan kung talagang lilipat na si Ogie sa Kapatid.

So, welcome na Christian Bautista sa Kapuso Network!

Sarah may pasabog

At sa ASAP 18 mamaya, may big revelations na ibibigay si Sarah Geronimo tungkol sa third ins­tallment ng hit romantic comedy movie series nila ni John Lloyd Cruz, ang It Takes a Man and a Woman for Star Cinema.

Totoo kayang end of their love team na ito at maghihiwalay na sila nang tuluyan after ng showing nila sa March 30, Black Saturday? 

More revelations pa rin mamaya sa grand presscon ng movie.

Mamaya na rin ipakikila sa ASAP 18 ang bumubuo ng Star Magic Circle 2013.

 

BLACK SATURDAY CHRISTIAN BAU CHRISTIAN BAUTISTA IT TAKES JOHN LLOYD CRUZ KAPUSO NETWORK OGIE OGIE ALCASID PARTY PILIPINAS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with