^

Pang Movies

Marvin, gustong magpa-sexy!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marvin, gustong magpa-sexy!
Marvin Agustin
STAR / File

Mababasa ang post sa X ni ­Marvin Agustin na “Looking for a personal fitness trainer to help me get in shape and physically prepare for a movie. I’ll be shooting next year. Any recommendations?”

May mga nag-reach out na personal trainers sa kanya to help him get in shape for a film project na next year na ang simula ng shooting. After the rom-com series na Mommy Guard, sa pelikula naman siya magbabalik.

And speaking of Marvin, masaya ito na nakatanggap muli ng Michelin Bib Gourmand distinction ang Cochi restaurant niya. Napa-throwback ito sa pinagdaanan niya sa buhay.

Erwan at Solenn, nagluluksa!

Pumanaw ang ama nina Solenn at Erwan Heussaff at sa kanyang Instagram Story, nag-post si Erwan ng larawan ng ama at may text overlay na “Free.”

Si Solenn, nag-post ng photo na yakap nito ang ama.

Ang mom nila at asawa ng yumao ang may mahabang post tungkol sa asawa.

“In loving memory of our beloved husband and father.

“After struggling with dementia over the past few years, he passed away this morning October 31, 2026.

“While the last few years have been difficult, we hope that those who knew and loved him will remember him for the person he was, keep his spirited tales alive and cherish their happiest memories of him.

“With all our love,

“Cynthia, Vanessa, Solenn, and Erwan,” caption nito kalakip ang larawan ng mister.

Ogie musical, kinasabikan!

Marami ang na-excite nang i-announce ang project na pagsasamahan ng music power couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez – ang Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical starring Ogie and Regine.

Hindi pa in-announce ang cast na makakasama nina Ogie at Regine sa musical, may mga bet na ang fans kung sino ang gusto nilang mapanood.

Si Ogie mismo ang nag-announce sa pagbibidahang musical kasama nga ang asawa niyang si Regine na gaganap na kanyang kabiyak sa musical.

Gown ni Heart, binigyan ng iba’t ibang meaning!

Pa-statement daw ang white gown na suot ni Heart Evangelista sa Shake, Rattle & Ball 2026.

Sa likod ng gown, sa likod ni Heart, may six knives na nakasaksak sa kanya at ang ibig daw sabihin noon, para sa backstabbers ang mga kutsilyo.

May nag-comment naman na parang pang-Fashion Week ang rampa niya sa ginanap na Shake, Rattle & Ball 2026.

MARVIN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with