^

Metro

2 tirador ng kable ng telecoms, tiklo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Dalawang kilabot na tirador ng kable ng ­Philippine Long Distance Telecoms (PLDT) ang  naaresto  ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa aktong nagpuputol ng mga kable sa panulukan ng Kamias Road at Kalayaan Ave., Brgy. Malaya, Quezon City, Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay QCPD Director PBGen Christopher Olazo, ang mga suspek na sina alyas “Miguel,” 39, ng Brgy. U.P. Campus at “Shawn”, 24, ng Brgy. Krus na Ligas, ay huli sa aktong namumutol ng PLDT cable bandang alas-2:40 ng madaling-araw.

Sinabi ni QCPD Anonas Police Station (PS 9) Chief, PLt. Col. Maximo Beleo, namataan ng isang ro­ving security guard ng PLDT ang mga suspek at nang lapitan ay agad tumakas sa magkakaibang direksyon sakay ng dalawang motorsiklo.

Narinig ng mga tauhan ng PS 9, na nasa malapit sa isang gasolinahan ang pagsigaw ng guwardiya kaya agad hinabol at naaresto ang dalawang suspek habang nakatakas ang dalawa pa nilang kasamahan.

Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang tatlong metrong copper cable ng PLDT na nagkakahalaga ng P31,146.13, isang cutter, at isang itim na motorsiklong KEEWAY na walang plaka.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 10515, o ang “Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013,” at RA No. 11235, o ang “Motorcycle Crime Prevention Act.

PLDT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with