Andrea, nakaramdam ng end of the world na!

Masayang inalala ni Andrea Brillantes noong mga panahong nagsisimula pa lamang sa industriya.
Nag-audition pa umano ang bata pa lamang sa GMA series na Marimar na pinagbidahan ni Marian Rivera noong 2007. “Naaalala ko po I was around three or four years old para sa first audition ko and it was for Marimar. Kaso no’ng time na ‘yon mahiyain pa ako and hindi ako masyado nakakapagsalita sa harapan ng maraming tao. Lalo na no’ng nakita ko si Ms. Marian, super na-starstruck ako and nakalimutan ko na po lahat ng lines ko no’n,” nakangiting kwento sa amin ni Andrea sa Fast Talk with Boy Abunda.
Pitong taong gulang pa lamang si Andrea nang magkasunud-sunod ang ginagawang proyekto. Para sa aktres ay talagang hindi niya naranasan noon na maging isang ordinaryong bata. “I really had to sacrifice a lot. I sacrificed my childhood. Masasabi ko po na natanggal talaga ang normal experience para sa akin. Siguro nawala rin ‘yung freedom and allowance to make mistakes.
“Kasi nga growing up in front of everyone grabe ‘yung expectations ng mga tao sa akin kahit bata lang ako. I’m still trying to figure things out. During that time medyo may hinanakit ako, may tampo ako na hindi ko ito nagawa.
“Naging breadwinner din po ako and bilang isang bata, hindi ko maiwasan na tumingin sa ibang bata, na bakit meron na sila nito, ako hindi ko ito ma-provide for myself because I need to provide for my family first.
“But kahit naman gano’n, happy ako kasi ang nabigay niya sa akin ‘yung buhay na meron ako ngayon. Naiahon ko ‘yung pamilya ko sa kahirapan. I got to travel around the world. I got to inspire other people. Ang dami ko pong na-achieve na mga pangarap ko na hindi ko akalain na posible pala,” paglalahad ng dalaga.
Sa murang edad ay maraming kontrobersya na kinasangkutan ng aktres. Sa rami ng nalampasang mga pagsubok ay talagang napatatag na si Andrea ng panahon. “Nagpatibay sa akin ‘yung faith ko. Kasi sa dami pong nangyari and sa mga paulit-ulit na ibinabato ng mga tao sa akin, medyo nawalan na ako ng choice kung hindi maghanap ng masasandalan.
“No’ng panahon na ‘yon iniisip ko saan pa ba ako kakapit? Saan pa ba ako kukuha ng lakas? Umabot na ako sa point na hindi ko na talaga alam anong gagawin ko. Nagkaroon ng point na end of the world, dito na ba mag-e-end ‘yung life ko? There was no other way but ibigay na lang sa Diyos at kumapit at nagtiwala na lang ako sa Kanya. Kasi kapag hindi ako malakas, alam kong malakas Siya para sa akin. Feeling ko nagawa akong strong soldier ni God kasi tingin niya kaya kong tanggapin lahat ito eh,” makahulugang pagbabahagi ng dating child star. — Reports from JCC
- Latest

























