Salpukan ng 2 motor: 1 dedo 2 sugatan
CAVITE, Philippines — Patay ang isang rider habang dalawa ang sugatan makaraang magsalpukan ang mga ito habang bumabaybay sa kahabaan ng Indang-Naic road, Brgy. Banaba Cerca, Indang, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya, gabi ng Oktubre 28 nang maganap ang insidente. Binabaybay ng biktimang si alyas “Ronel” ang kahabaan ng nasabing lugar sakay ng kaniyang Suzuki raider nang masalubong ang isang Yamaha mio na minamaneho ni alyas “Christopher” at angkas nito na si alyas “Zaijan.”
Dahil sa pakurba ang kalsada, hindi na nagkaiwasan ang mga ito at tuluyang nagsalpukan.
Sa tindi nang salpukan, tumilapon ang biktima at nagpagulung-gulong sa kalsada. Agad naman itong naitakbo sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.
Sugatan din ang kasalpukan ng biktima at angkas nito. Matapos malapatan ng lunas, hawak na ang mga ito ng pulisya at inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.
- Latest




















