US, itataas ang pondo sa AFP modernization
MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Estados Unidos ang pagdaragdag ng pondo para sa security cooperation upang mapabilis ang modernisasyon at interoperability ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inanunsyo ito ni United States Secretary Wat Pete Hegseth sa ginaganap na Ika-20th ASEAN Defense Ministers’ Meeting (ADMM) at ika-13th ADMM-Plus sa Lapu-Lapu City.
Gayunman, hindi naman tinukoy ni Hegseth kung magkano ang halaga ng idadagdag na pagtaan sa security cooperation funds.
Ang nasabing anunsyo ay ginawa ni Hegseth sa pakikipagpulong nito kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.
Ang Pilipinas ay nagho-host ng ika-20th ASEAN Defense Ministers Meeting (ADMM) at ika-13th ADMM-Plus mula Oktubre 28-29 na ginanap sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Sina Teodoro at Hegseth ay tinalakay ang progreso ng kooperasyon sa seguridad, alyansa ng modernisasyon at mga inisyatibo sa pagitan ng pagsusumikap ng Pilipinas at ng Estados Unidos upang mapalakas pa ang partnership sa depensa.
- Latest

















