6 ‘persons of interest’ natukoy sa pagpatay sa working student

BATANGAS, Philippines — Anim na persons of interest (POIs) ang natukoy ng isang saksi kaugnay sa pagpatay sa working student sa Batangas.
Napatay ang 22-anyos na si Charles Usi, isang working-student ng Westmead International School sa San Jose, Batangas, matapos barilin ng riding-in-tandem sa Barangay Banay-Banay 2nd San Jose habang papauwi bandang alas-9 ng gabi.
Dalawang motibo ang tinitignan ng mga awtoridad, may kaugnayan sa “pag-ibig” at trabaho.
Ayon kay San Jose Municipal Police Station Chief PMaj. Florencio Caisip Jr., apat sa anim na person of interest ay nakilala na sa tulong ng mga nakasaksi.
Bagama’t nakilala na ang apat, hindi pa itinuturing na mga suspek ang mga ito, subalit posibleng may impormasyon silang makatutulong sa mga imbestigador upang malutas ang kaso.
Kilala si Usi sa Batangas dahil sa kanyang husay sa pagkanta na madalas nagtatanghal sa mga bar at coffee shop, gayundin sa mga pampublikong lugar bilang isang busker o musikero na tumutugtog at kumakanta sa lansangan.
Nakaburol ngayon ang labi ni Cusi sa kanilang bahay sa Barangay Lumil, San Jose, Batangas.
- Latest




















