^

PSN Palaro

Eala swak sa Pan Pacific Open round of 16

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Eala swak sa Pan Pacific Open round of 16
Gigil na hinataw ni Alex Eala ang bola pabalik kay British wildcard Mika Stojsavljevic.

MANILA, Philippines — Madaling iniligpit ni Pi­nay ace Alex Eala si British wildcard Mika Stojsavljevic, 6-1, 6-2, sa kanilang Round of 32 match sa Toray Pan Pacific Open kahapon sa Tokyo, Japan.

Hindi na pinaporma ng World No. 20 na si Eala ang No. 308 na si Stojsavljevic sa larong tumagal lamang ng isang oras at 15 minuto para umabante sa Round of 16.

Sina Eala at Stojsavlje­vic ay parehong US Open girls champions.

Sinabi ng Pinay tennis sensation na nananatili si­yang nakatutok sa laro.

“I think it was super im­portant today to be focused for every point, try to keep the intensity of the game,” sabi ng 20-anyos na si Eala matapos sibakin ang 17-anyos na si Stojsavlje­vic.

Kaagad hinataw ni Eala ang 5-0 kalamangan sa first set bago nakasingit si Stojsavljevic sa sixth game.

Tuluyan nang tinapos ni Eala ang first set sa 6-1 na kanyang itinuloy sa se­cond set sa paglilista ng 3-1 abante.

Muling nakahirit ang Brit­ish netter sa 2-3 hanggang angkinin ni Eala ang su­munod na tatlong laro para kumpletuhin ang kanyang straight-set win.

Sunod na makakatapat ni Eala si No. 38 Talia Gibson ng Australia na nag­patalsik sa kanyang kababayang si No. 74 Daria Kasatkina, 6-0, 7-5.

Nauna nang nasibak si Eala sa Round of 16 ng Ningbo Open sa China ma­tapos ang 5-7, 4-6 kabiguan kay Russian Diana Shnaider.

Samantala, umatras na si Eala at Fil-American Desirae Krawcyzk sa WTA 500 Tokyo Open doubles tournament para tutukan ang kampanya sa singles event.

Nakatakda sanang labanan nina Eala at Krawcyzk sina Chinese Taipei Chan Hao-Ching at Japanese Miyu Kato ngayong ha­pon.

Sina Yulia Putintseva ng Kazakhstan at Liudmila Samsonova ng Russia ang papalit kina Eala at Krawcyzk.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with