Wemby, Spurs pinadapa Flagg-less Mavericks

DALLAS - Humakot si Victor Wembanyama ng 23 points, pitong rebounds at apat na blocks, habang may 22 markers si Fil-Am Dylan Harper sa 122-106 paggupo ng San Antonio Spurs sa Mavericks.
Nagdagdag sina De’Aaron Fox at Stephon Castle ng tig-19 points sa pag-iwas ng San Antonio na mahulog sa isang 0-3 start simula noong 2008-09 season.
Natalo sila sa Oklahoma City Thunder noong Martes at sa Houston Rockets noong Biyernes.
Umiskor si Rookie Sergio de Larrea ng 21 points mula sa bench para sa Dallas (1-2) kasunod ang 12 markers ni P.J. Washington.
Naglaro ang Mavericks na wala sina marquee players Cooper Flagg at Kyrie Irving.
Nagkaroon si Flagg, ang 2025 Rookie of the Year, ng isang shoulder injury sa kanilang nakaraang panalo kontra sa Indiana Pacers noong Biyernes.
Kababalik lang naman ni Irving sa season matapos mawala ng 19 siyam na buwan dahil sa torn ACL.
Sinayang ng Spurs ang hawak na 14-point lead sa third quarter, ngunit naghulog ng isang 17-5 bomba sa pagsisimula ng final period para muling makalayo.
Kumolerkta ang San Antonio ng 15 offensive rebounds sa pangunguna ni Wembanyama.
Sa iba pang laro, panalo ang Charlotte Hornets sa Miami Heat, 115-110; wagi ang Cleveland Cavaliers sa Brooklyn Nets, 125-121; tinalo ng Philadelphia 76ers ang Milwaukee Bucks, 127-116; dinaig ng Washington Wizards ang Chicago Bulls, 124-120; pinapak ng Houston Rockets ang Atlanta Hawks, 121-114; pinatumba ng Denver Nuggets ang New Orleans Pelicans sa overtime, 141-135; at binigo ng Phoenix Suns ang Golden State Warriors, 131-122.
- Latest


















