^

Metro

Lustre nagpiyansa sa kasong cyber libel

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lustre nagpiyansa sa kasong cyber libel
Veteran journalist Philip Lustre Jr. is escorted by police officers at the Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Station 10 in Quezon City to undergo physical and medical examination following his arrest on Saturday, Oct. 24, 2026.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pansamantalang nakalaya ang beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. matapos makapagpiyansa ng P48,000 kaugnay ng kasong cyber libel na isinampa laban sa kanya.

Nakalabas si Lustre sa Kamuning Police Station 10 ng  Quezon City Police District pasado alas-11 ng gabi nitong Sabado matapos ang paglalabas ng kautusan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 217.

Ayon kay Atty. Dino de Leon, legal counsel ni Lustre, hindi alam ng kanyang kliyente ang reklamong isinampa laban sa kanya bago ang pag-aresto. Hindi rin agad isiniwalat ang pagkakakilanlan ng nagreklamo at ang partikular na publikasyong naging batayan ng kasong cyberlibel.

Sa pahayag ng abogado, iginiit niyang hindi dapat patahimikin ang mga mamamahayag na naninindigan para sa katotohanan.

Inaresto si Lustre noong Sabado, Oktubre 24, habang dumadalo sa Saturday News Forum sa Quezon City. Dinala siya sa Kamuning Police Station 10 ng QCPD para sa booking at medical examination.

LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with