^

PM Sports

Lyceum kinadena 3 sunod na panalo

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinadena ng Lyceum of the Philippines University ang pangatlong sunod na panalo matapos nilang pagulu­ngin sa pahirapang laban ang Arellano University, 62-57 kagabi sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil sa San Juan.

Kahit wala sa mismong laban ang head coach ng LPU na si Jamike Jarin ay dala ng mga tropa nito ang mga naituro sa kanilang ensayo kaya nasilo ang mahirap na panalo.

Sinandalan ng Intramuros-based squad ang nagliliyab na opensa nina Matthew Rubico at Mclaude Guadana para tulungan ang Pirates na ilista ang 4-5 baraha.

‘Para kay coach Jamike po itong panalo namin, kahit wala po siya ay nandyan pa rin yung mga itinuturo niya sa amin,” ani Rubico.

Tumikada si Rubico ng 15 points, pitong assists at anim na rebounds para pamunuan ang opensa para sa Lyceum.

Mahigpit ang naging labanan sa unang quarter kung saan ay tabla ang iskor sa 15-all  pero umungos ng bahag­ya ang Pirates sa second canto matapos nilang hawakan ang three-point lead, 34-31 sa halftime.

Gumarote agad sa puntusan si Rubico sa kaagahan ng laro at hawakan ang trangko ng LPU matapos ang dalawang quarters, may naitala agad itong 10 puntos, tatlong assists at dalawang rebounds.

Mula sa 46-45 iskor, naging matatag ang LPU sa fourth quarter para makuha ang panalo at ipinalasap sa Chiefs ang pang-apat na talo sa siyam na laro.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with