^

Police Metro

College student natagpuang patay sa kwarto

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa ng bangkay nang matagpuan ng ina ang kanyang anak sa loob ng kuwarto nito sa Brgy. Inocencio, Trece Martires City, Cavite nitong Lunes.

Ang biktima ay kinilalang si alyas “Win”, 21-anyos, college student at residente ng Southville ng nasabing barangay na may sugat sa ulo.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:35 ng hapon nang madiskubre ng ina ang anak na duguan at wala nang buhay na kung saan ay nakita na may malaking sugat ito sa ulo.

Ayon sa ina nito, wala naman umanong kasama sa kuwarto ang anak at lahat din ng gamit nito ay naka intact at wala ring nakitang kalat o gulo sa kwarto.

Natagpuan naman ang cellphone ng biktima na wasak na tila ibinato ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa posibleng dahilan nang pagkamatay ng biktima at isa sa anggulong sinisilip nila ay suicide.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with