^

Police Metro

Marcos, bubuhayin ang ‘Green Revolution’ dahil sa El Niño

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagan na mu­ling buhayin ang “Green Revolution” o ang Green Revolution 2.0 ng Kagawaran ng Agrikultura (DA).

Layunin nitong hika­yatin ang mga Pilipino na maging aktibong “plantito at plantita” at magtanim ng sariling gulay sa mga bakuran at tahanan.

Noong Linggo, sinabi ni Marcos na nakalatag na ang mga plano at ­paghahanda upang matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng bigas, baboy, baka, at manok sa panahon ng El Niño, na inaasahang tatama sa bansa hanggang Marso sa susunod na taon.

Sa pamamagitan ng pagtatanim sa mga komunidad at likod-bahay, inaasahang mababawasan ang pasanin sa supply chain ng bansa at magkakaroon ng alternatibong mapagkukunan ng masustansyang pagkain ang mga pamilya.

Bukod sa pagtatanim, pinayuhan din ng Pangulo ang publiko na mag-imbak ng tubig-ulan gamit ang mga balde. Magbibigay ang pamahalaan ng mga filter at gamot upang linisin ang maiipong tubig.

Nakalatag din ang mga operasyon para sa cloud seeding upang makatulong sa mga sakahan.

Magpapatupad ang DA ng mga alternatibong teknolohiya tulad ng Alternate Wetting and Drying (AWD) at pamamahagi ng tulong tulad ng fuel subsidies sa mga apektadong rehiyon gaya ng Benguet.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with