Heart, mas hindi na takot

Nasa bansa na pala ulit si Heart Evangelista.
Kabilang nga si Heart sa mga celebrity na nagrampa ng ready-to-wear couture sa katatapos na
As usual, agaw-eksena nga ang Filipina global style influencer as Love Marie.
Bukod pa sa mga fearless at nakakatuwang mga post niya, parang mas palaban na si Heart as Love Marie.
Meron naman ibang fans na hindi raw napaghandaan ang mirror bikini selfie niya.
Parang hindi ito ang dating Heart, mas raw ang mga post niya at unfiltered.
Bukod kay Heart, kabilang din ang Tennis star na si Alex Eala sa mga rumampang Pinoy roon. Ganundin ang Pinay model na si Kelsey Merritt.
In all fairness naman, consistent ang imbitasyon kay Heart sa malalaking fashion event sa ibang bansa.
Kabilang sa mga inirampa niya sa New York ay ang Carolina Herrera classic dress - at aniya “classic doesn’t mean boring.”
Dagdag pa niya: “Being classic is being remembered. Being timeless is being yourself.”
Ganundin ang collection ng Cult Gaia, isang contemporary luxury and designer lifestyle brand na kilala sa artistic and sculptural pieces nito.
Cos na ready-to-wear ganundin ang accessories na very classic at hindi nawawala sa uso ang mga design.
Ang Prabal Gurung designs na isang Nepalese American fashion designer na naka-base sa New York City.
Inirampa rin niya ang luxury fashion brand Simkahi originally started in New York City in 2010 na ngayon ay naka-base na sa Los Angeles, California.
Ang ganda rin ng mga creation ni Christian Cowan na isang sikat na fashion designer na British pero nakabase sa New York, na kilala sa kanyang high-octane glamour, bold maximalism and dramatic silhouettes.
Habang ang mga gawa ni Sandy Liang na kilala sa pagpasimuno ng “downtown coquette” na aesthetic, pati na rin sa pagbibigay-pugay sa nostalgic at hyper-feminine girlhood.
Ganundin ang Tory Burch na isang classic American brand. Pagdating niya sa bansa ay nagkaroon ng announcement ng reunion movie nila ni John Prats na wala pa palang title.
- Latest


























