^

Metro

P75 milyong donasyon kay Marcoleta, ‘campaign funds’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa dokumento, ebidensiya

MANILA, Philippines — Ang P75 milyong ibinigay ng tatlong negosyante kay Sen. Rodante Marcoleta ay para umano sa kanyang kampanya sa pagka-senador noong 2025 at hindi personal na pera, batay sa mga dokumento at testimonya sa korte.

Batay sa notarized deeds of donation, nagbigay sina Mike Defensor ng P30 milyon, Joseph Espiritu ng P25 milyon at Aristotle Viray ng P20 milyon. Nakasaad sa mga dokumento na ang mga donasyon ay suporta sa kandidatura ni Marcoleta sa May 12, 2025 elections.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, sinabi ni Marcoleta na bahagi ng pangako ni Viray para sa kanyang senatorial candidacy ang P20 milyon. Gayunman, sinabi rin niya sa Comelec na personal niyang pera ang mga donasyon kaya hindi niya isinama ang mga ito sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sa pagdinig noong Setyembre 3, sinabi ni Comelec Political Finance and Affairs Department witness Atty. Victoria Kadeja Besinio na itinuring nilang campaign contributions ang mga donasyon. Dahil dito, inirekomenda ang pagsasampa ng election offense case laban kina Defensor, Espiritu at Viray dahil sa umano’y hindi pag-uulat ng kanilang mga kontribusyon.

Samantala, sinabi ni Office of the Ombudsman Field Investigation Bureau Director Maria Melinda Mananghaya-Henson noong Setyembre 14 na private funds ang pinagmulan ng mga donasyon. Kinuwestiyon naman ng depensa ang ilang ebidensiya ng prosecution, habang sinabi ni Mananghaya-Henson na wala siyang impormasyon na nagkita o nag-usap ang tatlong donor at hindi rin nabanggit si Viray sa video na iniharap sa pagdinig.

RODANTE MARCOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with