Toned abs ni Atasha, bidang-bida!

Bumida ang toned abs ni Atasha Muhlach sa grand finals ng Century Tuna Superbods 2026.
Rumampa si Atasha sa runway suot ang red one-shoulder top and skirt habang nakasilip ang kanyang tiyan, base sa mga video at photos na kumalat sa social media.
Kabilang si Atasha sa mga rumampa sa nasabing event na malapit nang mapanood bilang si Annie Batungbakal sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical umpisa sa Sept. 18 at maghandang bumalik sa panahon ng disco kasama si Atasha (nagsisimula sa P1,300 ang presyo ng mga tiket).
Anyway, nagsilbing mga hurado sa Century Tuna Superbods 2026 sina Marian Rivera, Luis Manzano, Anne Curtis, Alice Dixson habang sina Sam YG at Bianca Gonzalez naman ang nag-host ng event.
Itinanghal na male grand winner si Austin Dizon, habang nakuha naman ni Vienne Luna ang titulo bilang female grand winner.
Handang-handa na raw si Atasha sa Bongga Ka ‘Day kaya marami na ring excited na mapanood ang isa sa kambal nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na tiyak na present sa opening night kasama ang kakambal niyang si Andres Muhlach.
Sumailalim sa voice and acting lessons si Atasha sa kanyang pagganap bilang si Annie.
Maaalalang nagtapos siya nang may honors mula sa Nottingham Trent University sa England bago pasukin ang entertainment industry.
Una siyang napanood bilang host ng Eat Bulaga hanggang bumida siya sa Philippine adaptation ng Thai series na Bad Genius.
Napanood din siya sa family sitcom na Da Pers Family kasama ang kanilang buong pamilya.
Nauna nang sinabi ng coach ni Atasha na si Arnold Aninion ang kanyang tagumpay sa fitness ay hindi lang sa pagiging consistent sa gym, kundi pati na rin sa iyong overall lifestyle.
Sinabi niya sa interview ng Preview kung saan naging cover si Atasha: “Training is just one piece of the puzzle. The cornerstone of success is a structured nutrition plan that provides the necessary energy to perform. Furthermore, eliminating negative habits like procrastination is crucial for peak performance.”
- Latest


























