Miss Austria, pumanaw sa edad na 22

MANILA, Philippines — Pumanaw pala sa edad na 22 ang kasalukuyang Miss Austria na si Lucia Sisic.
Ayon sa online reports, marami ang nabigla at nakaramdam ng matinding kalungkutan sa pagpanaw ng Miss Austria 2024 ayon sa Mission Austria—ang organisasyong na nasa likod ng Miss at Mister Austria—sa isang Facebook post noong Lunes.
Hindi na nagkaroon ulit ng pageant mula nang manalo siya noong 2024, kaya hawak pa rin ni Lusia Sisic ang korona mula noon, ayon sa mga balita.
Hindi naman isinapubliko ang sanhi ng pagkamatay ng beauty queen pero may mga post pala ito sa social media tungkol sa depekto sa kanyang puso na naging dahilan ng ilang operasyong pinagdaanan niya mula pagkabata.
Pero kung tutuusin bata pa niya, 22 years old lang nang mamaalam sa mundo.
- Latest





















