Scoring ‘di problema ni Barrios — Santos

LAS VEGAS, United States — Naniniwala ang kampo ni World Boxing Council welterweight champion Mario Barrios na makakakuha sila ng patas na judging kontra kay Manny Pacquiao bukas (Manila time) dito sa MGM Grand.
“The judges are going to see what they’re going to see. A lot of times if rounds are close, you have to understand that in this sport, things are subjective,” wika ni Bob Santos, ang trainer ni Barrios.
“I feel everything’s gonna be fair,” dagdag nito.
Tinukoy ni Santos ang hindi magandang scoring sa boxing na mismong naranasan na rin ni Pacquiao.
“Manny’s come out on the short end of the stick,” wika ng trainer sa mga kontrobersyal na pagkatalo ni Pacquiao kay Timothy Bradley noong 2012 at kay Jeff Horn noong 2017.
Naniniwala si Santos na si Pacquiao ang dapat nanalo sa nasabing dalawang laban.
Samantala, marami ang naniniwalang hindi aabot ng 12 rounds ang upakan nina Pacquiao at Barrios kung saan ang tayang $100 para sa isang knockout o stoppage result ay kikita ng $140.
Ngunit magiging bakbakan ang salpukan ng dalawa, ayon kay Santos.
“(It is) what do you like versus what do you like more, so if it’s close rounds, you can’t say it’s a robbery,” ani Santos.
Anuman ang maging resulta ng laban ay ikinukunsidera na ng trainer na nanalo na siya at si Barrios.
“We’re just fortunate enough to step in the ring with Manny Pacquiao, even me as a coach. To be a part of an event like this win, lose or draw we’ve already won because he’s one of the greatest ever,” sabi ni Santos.
- Latest


















