^

PSN Showbiz

Priscilla, nasagad na kay John!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Priscilla, nasagad na kay John!
Priscilla Meirelles

Noong isang taon ay napabalitang nagkaroon umano ng problema ang relasyon nina John Estrada at Priscilla Meirelles. Aminado ang beauty queen na talagang dumaan sa pagsubok ang kanilang pagiging mag-asawa ng aktor. “Unang-una, ang dami kong natutunan tungkol sa akin, sa sarili ko. Kasi very light akong tao, I’m very easy going. And darating sa panahon na ang lahat ng tao may limit. Dumating ako sa limit, kailangan ko sabihin ‘yung isang bagay para naiintindihan ng kabilang side na tama na. Nangyari siya, and natutunan ko diyan, at the end of the day, ‘yung pinakaimportanteng bagay sa buhay natin is peace of mind. Kung wala kang peace hindi ka pwedeng mabuhay. Darating din sa panahon na I cannot function kasi I was not happy. Bilang isang babae kailangan masaya ako. Sa buong experience ko bilang asawa, ginagawa ko lahat. Beyond and above ‘yung mga majority ng mga babae would do, forgive and forget. Pero sinasabi ko na darating ang panahon na I’m not getting any younger. Kailangan masaya ako sa sarili ko, kung hindi ko kaya, sasabihin ko, ‘Sorry, hindi ko kaya,” makahulugang pagbabahagi sa amin ni Priscilla sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nag-usap nang masinsinan ang mag-asawa noon kaya agad na naaayos ang kanilang relasyon. Ayon kay Priscilla ay nangako si John na gagawin ang lahat nang makakaya upang hindi na magkaroong muli ng hindi pagkakaunawaan. “‘I’m with you. Please trust me and I will do my best and believe ko na lang na he will do his best. And ako naman tito Boy, tao lang tao, ‘di ba? So, I am in the situation right now, of course we’re married pa rin, and we’re laughing, we’re having a great time. But I’m not gonna take anything of what I already took up to this point. So alam niya nasa limit na ako. So, whatever happens from this point on, It’s on him. I’ve done my part,” nakangiting paglalahad ng beauty queen.

Maayos ang pakikitungo ni Priscilla sa mga anak ni John kay Janice de Belen. Nakasuporta rin palagi ang mga anak ng beteranang aktres sa beauty queen. “I’m very close with the kids. I’ve seen them growing up. Ang tawag nila sa akin ‘Ate.’ Kasi hindi malayo ‘yung age gap. They are very sweet. Every time I go to trials, they are always there for me. They reach out and I appreciate it very much. They know no matter what, whenever they need me, I’m just a phone call away, text away. I’ll be there for them,” giit niya.

Hindi kailan man naging malapit sina Priscilla at Janice sa isa’t isa. Noong isang taon ay kinausap ng aktres ang beauty queen dahil sa mga pinagdadaanan nilang mag-asawa. “When it comes with Ms. Janice, never kaming naging close. Pero na-appreciate ko siya nang sobra kasi last year nag-reach out siya sa akin and I hope it’s okay to share. You know, woman to woman, she was very kind. I appreciate that, ‘coz we were never close. We did work before together but I’m married to her ex, although I am not the reason why they separated please let’s make this clear. Pumasok ako sa buhay ni John, many years they are already annulled. But of course, woman to woman, she feels me and she understands where I’m coming from. And she appreciates the fact that I am good to her kids. They love me and I love them. That means a lot and it shows who she is as a person. I admired her for that, I thank her and she’s a wonderful woman,” pagtatapos ni Priscilla.

Kaila, nawindang sa kanyang pagpatay!

Labis na pinag-usapan ang mga huling eksena ng Can’t Buy Me Love na pinagbidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan. Kabilang din sa nagwakas na serye si Kaila Estrada na gumanap bilang si Bettina. Laking-gulat daw ng aktres nang malamang ang karakter niya pala ang killer na talagang pinakaabangan ng mga manonood. “Nagulat din ako kasi it was quite an interesting experience because we didn’t really know what was going to happen until maybe a few days before we shot the ending. I personally didn’t know that Bettina was the killer until a few days before we shot the scene of the hostage-taking in the forest,” nakangiting kwento ni Kaila sa ABS-CBN News.

Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa lahat ng mga manonood na talagang tinutukan ang kanilang program mula nang magsimula hanggang wakas. “I’m just super touched and so overwhelmed with gratitude and happiness na nakakuha na ako ng gano’ng feedback. Maraming, maraming salamat. As in we can’t say thank you enough for supporting Can’t Buy Me Love from start to finish and also for loving and supporting Bettina,” pahayag ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

PRISCILLA MEIRELLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with