^

PM Sports

Acuña, Teytey nagbida sa panalo ng Batangas

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagtulung-tulong sina Val Acuña at  Teytey Teodoro sa overtime period para iangat ang Batangas Athletics sa 87-79 panalo laban sa Parañaque Patriots upang manatili sa solo liderato sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Rajah Cup noong Huwebes ng gabi sa Batangas City Coliseum.

Nagpasiklab si Acuña ng 19 puntos kabilang na ang apat na triples habang sina Keir Quinto at Lester Alvarez ay umani ng tig-17 puntos bawat isa habang walong puntos naman mula kay Teo-doro, lima nito sa overtime period.

Matapos maitabla ng Patriots ang laro, 73-73  matapos ang regulation period, rumatsada sina Acuña at Teodoro ng 12-2 run sa extension period para masungkit ang pang-limang sunod na panalo ng Batangas at nanatiling tanging koponan na wala pang talo.

Kumonekta si Alvarez ng triple para sa 73-71 bentahe ng Batangas, mahigit 67 segundo na lang ang nalalabi sa regulation ngunit, umiskor naman si Daniel de Guzman ng jumper para sa five-minute extension.

“Bago mag-half time, I told them na instead of playing for the crowd, nagso-show boat tayo. ‘Yun ang problema natin. Dapat nga kakampi natin ‘yung crowd, sumobra kami sa pag-showboat. Tested kami sa away games, but not in our home court,” sabi ni Batangas coach Mac Tan.

Umiskor ng 21 puntos si Gab Dagangon para sa Parañaque na nalaglag sa pang-anim na puwesto kasama ang Bulacan Kuyas sa parehong 2-3 card.

Naka-eskapo naman ang Navotas Clutch laban sa Valenzuela Classics, 82-77 para tumabla sa pang-apat na puwesto kasama ang Valenzuela sa parehong 3-2 record.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with