^

Bansa

Hamon kay Alvarez: Totohanin ang banta

Butch M. Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hinamon ng mga kongresista si House Speaker Pantaleon Alvarez na panin­digan ang deklarasyon nitong palitan ang mga lider ng kapulungan na tumutol sa death penalty bill.

Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, isa sa 54 kongresistang nag-No vote sa kontrobersyal na panukala, dapat lang tuparin ni Alvarez ang banta nito dahil kung hindi, lalabas lamang daw na wala itong ‘isang salita’.

Sinabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman, ampaw ang banta ni Speaker at pagyayabang lang kaya wala na itong matatakot pang muli sakaling magkaroon na naman ng gitgitang botohan sa Kamara.

Ginawa lamang umano ni Alvarez ang banta para sa mga kongresistang mahihina ang loob na sumuway sa administrasyon.

Magugunita na si Alvarez mismo ang nagkumpirma na may listahan na sila ng ipapalit sa mga House leaders na nag-no vote sa House Bill 4727.

Subalit bandang huli ay kumambiyo si Alvarez at ipinaubaya ang implementasyon ng kanyang polisiya kay House Majority leader Rodolfo Fariñas na nagsabi namang hindi pa nila maaaring ipatupad ang banta ni Speaker.

 

vuukle comment

GARY ALEJANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with