Kaso ng Bucor whistleblower nalutas na
MANILA, Philippines - Isinampa na ng Carmen Municipal Police Station-Davao del Norte ang kasong murder at apat na counts of frustrated murder laban kina Kenneth Escasinas Pajod, Reynard Cotamura Ingay, kapwa residente ng Panabo City, Davao del Norte, at John Does sa provincial prosecutors office ng naturang lalawigan, pawang mga suspek sa pamamaslang sa biktimang si Kabungsuan Makilala.
Ang mga nagsampa ng naturang reklamo ay sina Erlinda Makilala, PO3 Paulo Pablo, Marilyn Bediones, Elena Balase at Elvera Paulo.
Si Kabungsuan Makilala ay binaril at napatay habang sakay ng isang bus noong Pebrero 4, 2017. Bumaba ang mga suspek sa bus makaraang barilin ang biktima pero nakipagbarilan ang mga ito sa rumespondeng si PNP PO3 Paulo Pablo.
Positibong tinukoy ng mga complainant ang mga suspek matapos isagawa ng pulisya ang isang manhunt operation. Sina Pajod at Ingay ay mayroon ding nakabimbing arrest warrant.
- Latest