^

PM Sports

TNT puro na sa semis spot

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malakas pa rin ang signal ng TNT Tropang 5G sa Game Two matapos tambakan ang Magnolia, 93-71, para sa higanteng 2-0 bentahe sa PBA Season 50 Governors’ Cup quarterfinals kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kumaripas sa 16-4 ratsada ang Tropang 5G at hindi na nagpaawat pa nang mapalobo pa ito hanggang sa 24 puntos pa­tungo sa 18 puntos na ta­gumpay.

Ito ang ikalawang sunod na tambak na panalo ng Tropang 5G, kahit pa No. 4 sa Group A, matapos ang 92-70 paggulpi sa Group B top seed Hotshots.

Halimaw na 39 puntos at 15 rebounds ang ibi­nuhos ni reigning Best Im­port Rondae Hollis-Jefferson upang giyahan ang TNT.

“We wanted to make sure that we come out with better effort, better defense, better concentration and better communication. Better than everything in Game 1 so defense carried us through,” sabi ni coach Chot Reyes.

Nag-ambag sina Brandon Ganuelas-Rosser at Roger Pogoy ng 11 at 10 puntos, ayon sa pagkaka­su­nod.

Hindi na kinailangan pa ng TNT ang malaking produksyon ni ace player Calvin Oftana na may anim na puntos lang sa kabuuan ng laro.

Anim na manlalaro pa ang nakapasok sa sco­ring board ng Tropang 5G na namuro na sa unang tiket sa semifinals kontra sa magwawagi sa pagitan ng mag-utol na Barangay Ginebra at San Miguel.

Hindi man lang nag­habol ang TNT sa duwelo tampok pa ang 84-60 na siyang pinakamalaki nitong bentahe kahit pa nakadikit sa hanggang dalawang puntos ang Magnolia.

Kumamada ng 24 puntis si import KJ Buffen para banderahan ang Hotshots.

May 16 marka si Jerom Lastimosa at 13 puntos si Je­rom Lastimosa.

Subalit kulang pa rin para mabigyan ng unang pa­nalo sa serye ang mga trop ani coach LA Tenorio.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with