Eala tatabo sa US Open
MANILA, Philippines — Muling tataba ang bank account ni Alex Eala sa kampanya nito sa prestihiyosong US Open na ginaganap sa New York.
Makasisiguro na si Eala ng $140,000 o halos P9 miyon na premyo sa pagpasok pa lamang nito sa main draw ng torneo.
Kung aabot pa si Eala sa second round, tataas ang kikitain nito sa $190,000 o P11.5 milyon.
Magkakamit si Eala ng $290,000 (P17.6M) kung papasok ito sa third round, $480,000 (P29.2M) sa fourth round, $780,000 (P47.5M) sa quarterfinals at $1,450,000 (P88.4M) sa semifinals. Nakaabang ang $2,800,000 (P170.8M) sa runner-up at tumataginting na $5,500,000 (P335.5M) para sa magkakampeon.
Kaya naman pukpukan na sa ensayo si Eala para sa kanyang unang pagsalang sa singles.
Nakatakdang makaharap ni Eala si Mary Stoiana ng Amerika sa Martes (Miyerkules sa Maynila) sa opening round.
Lalaruin ito sa Louis Armstrong Stadium na may 14,000-seating capacity dahil inaasahang dudumugin ito ng Pinoy fans.
Hawak ni Eala ang No. 17 seed sa torneo.
Talagang sikat na si Eala dahil ilang publications sa Amerika ang kaliwa’t kanang naglalabas ng mga feature stories ng Pinay netter.
Kabilang na rito ang mga sinulat nina Jon Wertheim ng Sports Illustrated at Aishwarya Kumar ng ESPN.
- Latest

















