Duterte muling nagbanta police power gagamitin sa ayaw magpabakuna
MANILA, Philippines — Gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang police power ng gobyerno sa mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang muling pagbabanta ng Pangulong Duterte na anya sa mga ordinaryong araw na walang pandemya ay hindi nakialam ang gobyerno at hindi namimilit ng kahit anong relehiyon o paniniwala na gawin ang isang bagay.
Pero, ibang usapan aniya kung ipalagay sa panganib ng mga ayaw magpabakuna ang buhay ng mga mamamayan.
Ayon kay Duterte, taliwas sa opinyon ng iba, maaaring pilitin ng estado ang mga mamamayan na magpabakuna.
Pinalalayas din ni Duterte sa serbisyo ang mga nagsisilbi sa gobyerno, pero ayaw magpabakuna.
“And therefore I said, contrary to the belief or opinion of others, I --- opinyon ko lang ‘yan --- can compel you under the police power of the state. Tama ‘yan sa gobyerno, ayaw mo magpabakuna, umalis ka. Go out of government,” ani Duterte.
Mapanganib aniya ang mga taong gobyerno na ayaw magpabakuma dahil humaharap sila sa mga mamamayan.
Binanggit din ni Duterte na maaring pakialaman ng pulisya ang pribadong buhay ng mga ayaw magpabakuna dahil sa kanilang paniniwala dahil puwedeng sila ang magpakalat ng virus.
- Latest