^

Entertainment

‘Welcome 2020 Pinoy Zodiac Signs!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Welcome 2020 Pinoy Zodiac Signs!�
Medyo nabitin kami sa fruits noong Media Noche kaya humingi kami ng tulong kay Ang Kiukok! Happy New Year!

Una sa lahat, Masaganang Bagong Taon!

2020 na and 20 days mula ngayon,

Sa Chinese Zodiac mawawala na ang lechon!

Baboy este, babay boar! Rat na kahayupan!

Akalaing kung kelan pa Year of the Baboy

Eh dun pa sa patapos ng taon nababoy!

Yung dalawang klaseng sakit ang tinutukoy,

Nagkaron tuloy ng porkbia ang mga Pinoy!

January 25 na ang bagong simula

Sapagkat kasunod ay Taon na ng Daga!

Year of the White Metal Rat na mangangasiwa,

Tapos na kababuyan, ano naman kaya?

It’s not a problem daw because we don’t eat daga!

Ngek! Maisip nga lang nakakasuka na nga!

Unlike baboy peborit nating tsinitsitsa!

Although dagang bukid good food sa magsasaka!

Syanga pala, bakit hindi tayo gumawa

Ng sarili nating Animal Zodiac Signs nga?

Nang hindi naman gaanong nakakasawa,

Palitan kaya natin daga ng palaka?!

Nang simula ng year and cycle hop-py tayo!

Malamig ang frog so cool tayo! Let’s go, go, go!

Ngek! Kulugo? But wart sounds worth… may halaga ‘no!

Di subukan pa camu para abalu mo!

Teka muna, tama ba yung Kapampangan ko?

Kung tama eh di tamaraw isunod dito!

At dahil nga may “tama” eh di positibo!

Kailangan lang kumayod at magtrabaho!

Nang sa ganon ay lumaki ang kita syempre!

Malaki kita? Eh di mata rin malaki!

Exactly at tarsier lang dito ang pupwede!

Ngek! Kinakain yata nun puro bulate!

At baka mga nagpupuyat ay dumami!

Eh kasi nga ang mga ito ay panggabi!

Kung ganon isunod na natin at isali

Paniki! Hmmm… baka sumirko economy!

Malamang din na buhay natin ay pumanghe!

Kung kaya upang maiwasan at lumaki,

Idagdag natin ang Year of the Elepante!

Yan ang animal na dala lagi ay swerte!

Malas mo lamang pag natapakan ka nire!

Ito ang taon na lucky raw sa babae

Eh kasi nga raw ang dulo nito ay panty!

Eh yun kung magsusuot ‘di nya kasing-laki!

Speaking of laki isali na ang giraffe!

Problema lang nito ay katunog ng hirap!

Hindi kaya humaba o kaya’y tumaas

Presyo ng bilihin o our sailing will be rough!

Kaya imbes Year of the Rat ay Year of the Bat!

Nice din paniki! Sounds like panhik or going up!

Ngunit lahat talaga’y may tuksong katapat —

Sounds like panic din … and worse tunog pangit din ngak!

Kahit sa Year of the Dog ako pinanganak,

Para pantay-pantay palitan na lang lahat!

Kaya imbes Year of the Dog eh Year of the Duck!

Mas masarap ang Peking Duck kaysa Peking DACH!

Yuck! Tigilan rin natin ang paglolokohan,

Tanggalin na ang dragon at wala naman yan!

Sa Game of Thrones na lang natin sila bayaan!

Let us use the dragonfly to… to be true naman!

At ilagay natin ang turtle sa hulihan,

Tutal mahuhuli rin yan sa kabagalan!

At kapag sa bagal pa nito sya pa’y nag turn

Ay sigurado akong he will bring the house down!

Kung noong dati water animals ay wala,

Well, dito sa bago may balyena at dikya!

Isang spokesanimal ang ating itatakda —

I nominate parrot na tagapagsalita!

Nakumpleto na — may hangin, tubig at lupa!

But parang I like bull in honor of Bulaga!

Eat’s toro este, true my favorite na tsitsa —

Rabo de Toro… Kare-kareng buntot kaya!

vuukle comment

PINOY ZODIAC SIGNS

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with