Ang last two letters ng FORTY at PARTY ay ‘TY’ kaya THANK YOU uli sa inyong lahat! Hmmm… better cheesy than naughty
‘We’re 40 Let’s Party!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - July 14, 2019 - 12:00am

Two weeks and two days na lang at celebration na

Ng Eat Bulaga’s Birthday — APAT NA DEKADA!

Whoa! Akalain n’yo, ganon katagal na ba?

Celebrate! Let’s FORTY este, let’s PARTY pala!

 

‘Di na makapaghintay, obvious naman ‘di ba?

Excited lang po pagkat sa July 30 pa!

FORTY YEARS ba naman! Mahirap nang itumba!

Pagbigyan n’yo na lang ang aking pag-alala!

 

Sa isip nyo’y nakaukit na kami sana,

Mahirap malimutan ang BULAGA basta

Lalo’t pag tanghali at kayo’y sumigaw na

Ng “KAKAIN NA!” Para ring sinabing… “EAT na!’

 

Bago ang lahat sagarang THANK YOU nga pala

Sa APATNAPUNG TAON naming nakasama!

Maging sa harap o likod man ng kamera!

Salamat din sa mga pumuri’t pumuna!

 

Dinaanan ng show ay PITONG PANGULO na!

Pero teka lang baka kami’y umabot pa

Pag naging Pangulo ang isa sa kanila —

Mga anak ni Tito and Vic! Malay n’yo ba!

 

Ops, walang ubrang mag-predict ng future! NADA!

Sa buhay na ito lahat ay may pag-asa!

Ang mga anak ko? Hmmm… PANGGULO pwede pa!

Wala kasi sa dugo namin pulitika!

 

‘Sabagay yung Tatay ng Tatay ko nga pala

Ay MAYOR ng Malolos, Bulacan na UNA!

Ito’y sa kauna-unahang Republika!

Ramon Gonzales de Leon ang pangalan n’ya!

 

Kaya koneksyon naming tatlo’y kumpleto na —

Kami ni Vic parehong ALKALDE kasangga!

Si Tito nga’y Vice Mayor pero kasama s’ya!

Pareho sila ng anak n’ya kaya… TABLA!

 

Pero ‘yang politics isantabi na muna,

Focus first sa PISTA NG APAT NA DEKADA!

Salamuch Channel 9, Kapuso, Kapamilya!

We are PARTY este, FORTY so let’s party na!

 

Imadyin mahigit FOURTEEN THOUSAND na pala

Ang mga tanghaliang tayo’y magkasama!

Nawa’y maibigan pa rin handa sa mesa

Ginagamit n’yo man ay kamay o kutsara!

 

Maraming, maraming salamat po talaga!

Sinasagad na namin at hindi lang sobra!

Sana uulamin natin ay dumami pa!

Nawa’y sumarap pa lalo ating panlasa!

 

Pero in truth you gave us a “HAPPY PROBLEMA!”

‘Di namin alam ang pagtigil kung kelan ba?

Kaya ang susunod sa FORTY nabago na —

Not Forty-One but FORTY WHEN ngek! Bahala na! 

FORTY PARTY
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with