Noon at ngayon ito ang importanteng ginagamit sa pagti-TEKS at pagti-TEXT! That’s me and ‘The Wishing Hand’ at Marlborough Street in Dublin. Dahil sa kabaliwan ng mga anak kong sina Jocas, Jako and Jio sa ‘Game Of Thrones’ nakarating kami hanggang Ireland, Croatia and Spain makita lang mga location sets ng G.O.T. (Gastos Of Trips)!
‘Game Of TEKS!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - May 19, 2019 - 12:00am

Akalain ninyong noong araw pa pala

Nung wala pang TV sets, gadgets at iba pa,

Noong RADYO pa lang libangan ng pamilya,

Noong wala pang cellphones pero nagte-TEKS na!

 

Game of TEKS at yun ang ispeling na alam ba!

At DALIRI nga rin ginagamit nga pala!

Hindi pangtuldok kundi PAMPITIK baraha!

Wala pa nung TABLET but meron nang PANABLA!

 

Pang-TABLA o panabla yun ang neutral basta!

Ke TAOB o TIHAYA man s’ya mapasama

Basta PAMATO mo lamang dapat maiba

Pag PLAKDA na sa lupa eh panalo ka na!

 

Ayun Pamato nga pala at kanya-kanya,

Mga boys and girls iba-iba pa pagtira —

Boys HINALALAKI at pagpaumanhin sana,

Ang Pitik pang-girls DIRTY FINGER gamit nila!

 

But I think ang TEKS lang nun ay Game Of The MASA!

Hindi ako sure kung type ito ng maykaya!

Pagbili ng TEKS may bubble gum pang kasama!

Una’y ang bangooo… pagtagal amoy basura!

 

Marami pang G.O.T. noon syanga pala —

Hindi lang Game Of Teks at may Game Of Trumpo pa!

Game Of Taguan pero walang dala-dala!

Ang kasabayan ng TEKS… RUBBER BAND o GOMA!

 

Kung Game Of Thrones ngayon ay may DRAGON sila,

Bah TSINELAS namin nun “DRAGON” ang tatak n’ya!

Yang mga Havaianas noon ay wala pa!

At yung Dragon namin sa TANTSING di’y pantira!

 

Games Of Totoys o mga laro noong una —

Kasama na dyan HOLEN pati na GAGAMBA!

At kung wala nang kalaro at nag-iisa,

HANTIK at BULATE paglaruan pwede na!

 

Katulad din ng TEKS na “TEXT” naman talaga,

Niyapos na rin kung ano ang dinig nila!

Katulad MARBLES naging HOLEN at JOLENS pa!

Dinig nila sa “HOLE IN” ay HOLEN at yun na!

 

Sabi nga, “Mabuti pa nung bata masaya.”

Siguro nung araw nang panahong nauna!

Lagyan lang ng sinulid ang salagubang ba

At meron ka nang laruan na saranggola!

 

May mga games din naman nun na pampamilya —

Yun bang ubrang boys and girls ang magkakasama —

Nandyan ang SUNGKA at simula ng malisya —

Sa BAHAY-BAHAYAN pwede nang mag-asawa!

 

Subalit ang nawala ngayon alam n’yo ba?

Pangangailangan ng playmate nawala na!

Mas masaya pa yata bata pag mag-isa

At kalaro’y hindi tao kundi MAKINA!

JOEY DE LEON
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with