^
âI Write & Wrong The Songs!â
Ang Poet N’yo and Saint Valentine at the Carmelite Church, Whitefriar Street in Dublin, Ireland. A little smile here kasi Happy Valentine!

‘I Write & Wrong The Songs!’

ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - February 12, 2017 - 12:00am

Ugali ng tao’y umiiba talaga

Pati nga sa mga nakikitang dati na,

Like na lang Miss Universe na isang … wait lang ha…

PEYDYANT? PEYDYENT? PADYANT o PADYENT?

Ano nga  ba?

 

Dati kasi ang hinahanap lang ay ganda!

Nagkaron pa ng TAAS at LAKAD na karga!

‘Tapos sa Question and Answer mas bumigat pa!

At kung may Question and SYONGANSWER mas masaya!

 

Ngek! Tulad din ‘yan ng mga tula ko’t kanta —

Mga JOEYRASSIC na Tough Hits bitin pa ba?

Interpreter dito’y ‘di na kailangan pa,

It’s to the tune of lang ng “Ang Sabi Ng Iba”!

 

Sabi ng babae, “Mama, ale bili

Ng tinda kong sweet potato o kamote!”

Sa kabila naman sabi ng lalake,

“Tikman naman balut ko na malalaki!”

 

Dahil araw-araw nagkikita ang two,

Bigla na lang one day ay may nag-I LOVE YOU!

Nagsama dalawa’t nagsama rin pwesto —

Pangalan ng store… KAMOTE MO ITLOG KO!

 

Ang tanong ng iba ay bakit daw nga ba

Ang lahat ng lechon nakadapa sila?

Ang sabi ko naman tao din tulad n’ya

At PARANG NATUTULOG LANG kanyang porma!

 

At meron pang pahabol na tanong mandin —

Kawayan sa lechon sa’n papapasukin?

Dapat una sa pwet, bibig palabasin

Nang BABOY NA BABOY talaga ang dating!

 

Ang sabi ng iba may koleksyon sila

Ng mga elephants nakataas trompa!

Nakataas na trunks ay swerte kumbaga,

‘Wag ‘yung nakababa kung boys kinokolekta!

 

Ang sabi ng iba kinikilig sila

Sa mga messages na text sa kanila!

Ang sabi ko naman pag nakiliti pa,

Ang tawag d’yan ay TEXT TICKLE hindi po ba?!

 

Ang sabi ng iba ang pick up line daw po

Na pinaka-yucky’t pinakamabaho

“Septic tank ka sana’t taga-sipsip ako

Nang makuha ko na matamis mong OO!”

 

Ang sabi ni Durian sa kalabang Mangga,

Basta sa mga fruta s’ya Hari’t Ama!

Makapangyarihan si Durian talaga,

Lalo kanyang amoy hindi ka uubra!

 

Nang marinig ito ng Mahal na Reyna,

Syempre si Mangosteen s’ya ay nag-alala,

Bahala daw mag-away itong dalawa

Basta ba s’ya nag-iisang FRUTANG INA!

 

Ngunit sino nagwagi sa inyong paningin?

Palagay ko’y si Mangga dahil nga Mangosteen!

Mga frutang ito pinroblema pa natin!

Kumanta na lang tayo “Doon Po Sa Amin”!

Doon po sa amin sa may Macabebe,

Merong binatilyo na-in love na grabe

Sa isang mas may edad, nanganak nang babae,

Pwede na nga n’yang nanay hindi man lang ate!

 

Ngunit ‘di mapigilan tama ay matindi,

Kahit may gatas pa raw siya sa labi!

Alam n’yo ba sinagot dun nitong si lalaki?

“S’ya rin nama’y may gatas ring pinadedede!”

 

Aba teka at Valentine’s Day na nga pala!

Good luck na lang d’yan sa mga maraming nobya!

Mas matindi ang trapik n’yo kaysa sa EDSA!

‘Di FUNNY ‘yan kundi MY PANIC VALENTINE na!

 

Syanga pala, agree ba kayo na problema

Kung ano ang emosyon mong ipakikita

Kapag sa mga “religious” nagpa-picture ka?

Magse-serious ka ba? Ngingiti ka’t masaya?

SONGS
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with