^

Entertainment

'Smoking Is Bad For Your Eyes'

ME, STARZAN - Joey de Leon -

Rio Hotel & Casino, Las Vegas, Nevada

Ano ba ang nangyari ngayong mga linggo

Bukod sa bilangan ng boto sa kongreso?

Naku po at umuusok ang mga ito

Dahil puro tungkol sa paninigarilyo.

 

Una na d’yan ang bisyo nitong si Benigno,

Gustong pa-stop ng mga pakialamero,

Kaya nga ayaw n’yang tumira sa palasyo

At sa house na lang para makasigarilyo.

 

Ano bang paki n’yo kung gusto n’yang maubo,

Walang basagan ng trip; kanya-kanya tayo,

Kahit pa manilaw mga daliri nito,

Tutal ‘yan naman ang kulay n’ya, ‘di ba yellow?

 

‘Di n’yo na tinigilan ang pangulong halal,

Kesyo may psychiatric test pa na nakalkal,

Ngayon nama’y “yosi-chiatry” mga hangal,

Ano ba talaga, sa MENTHOL o sa MENTAL?

 

Ano namang malay n’yo at itigil din n’ya

Kanyang pagyo-yosi ‘pag nag-asawa na s’ya

Kay First Girlfriend Shalani na napakaganda,

Malamang lang mag-adik kung ‘yay si Shalala!

 

Ngek!

 

At narinig n’yo din ba na sa Indonesia

Isang baby na two years old na humihitit na?

Anak ng put your head on my shoulder talaga!

Acheche! Ang nicotine n’ya ay up and down na!

 

May gatas pa at nicotine na sa labi s’ya,

Gatas at nicotine sa lampin magsasama?

May ganon?! Ano ba ‘yan?! Patay kang bata ka!

Baka next year s’ya na ay magma-marijuana!

 

At ayon sa survey — Upos Asia yata ‘yon —

Isa sa malakas mag-puff na population

Ay ang mga ladies of this Philippine nation,

Dahil ba ma-tension o kulang sa attention?

 

Babaing naninigarilyo’y amoy beha,

Ang amoy ng hininga natural ay iba,

Kunsabagay kung ipagpapatuloy pa n’ya,

Mauubos din agad ang kanyang hininga!

 

Umuusok din balitang sex education,

Balak nang ituro sa mga eskwelahan,

Ayos! Smoking problem, add some sex and jejemon —

Jose Rizal, eto na’ng hope of the Fatherland!

 

At bakit hindi naman po magkakagayon?

‘Yung batang Indones na adik sa hititan,

Gayong ito po ay dalawang taong gulang,

Sa dinami-dami eh Rizal din pangalan!

 

Isa pang mainit na pinag-uusapan —

Pagkawala ng dating host sa tanghalian,

Nang magalit s’ya sa TV ang pinagmulan,

Mukhang sila ng himpila’y nagkasubukan.

 

Isang Robin muna ang nag-first substitution,

At nang mag-goodbye s’ya mga chicks nagngalngalan,

Ako’y nagtataka, nagtatanong lang naman —

Ba’t nung orig ang nag-leave walang nag-iyakan?

 

Hoy mga darling, bakit ngayon kayo’y ganyan?

Humanda kayo kapag s’yay nag-“I shall return,”

Kapag dating boss n’yo ay nagalit na naman,

Kapuso at Kapatid bagsak ng iba d’yan.

 

Ngek!

 

And finally, eto pa at mainit-init

Ang tungkol sa binubuong Noynoy’s cabinet,

May ilang names na pero sa Tourism ang bet

Daw ay si Boy Abunda, that’s the buzz that I get.

 

That’s a very good choice of the new prexy I guess,

Kung ayaw ni Boy ako ay may isa-suggest —

Tourism usapan dapat tao’y aalis ,

Talent n’yay magpabakasyon — his name is Jobert S.!

 

Plano ni Noy na sa palasyo umiwas

At mag-stay na lang sa isang lugar sa labas

Sapagkat may “mala” sa Malacanan Palace,

At ang salitang “palace” katunog ng malas!

 

Doble-doble nga naman at ang malas-malas,

Mukhang buhok n’ya dito’y lalong malalagas,

Gagawin kong opisina if I would be asked

GMA at ABS para happy lahat!

 

‘Wag naman sanang ibang networks ay magtampo

Lalo na sa Singko na mga kapatid ko

Pagkat people might think si Noy hindi seryoso,

Kasi nga po ang “Wow, Mali!” ay nandirito!

 

Seryoso? May ganon?! Mr. President, ang “Wow,Mali!” — ang Pambansang Pang-Goodtime ng Pilipinas nga pala ay every Tuesday na at 7:30 p.m. sa TV5.

 

And speaking of “Wow, Mali!”, na –wow mali kami when we arrived at the McCarran International Airport in Las Vegas last Tuesday. Though we landed about 30 minutes ahead of schedule, it took us almost an hour to look for our sundo. Nobody in our group was really that serious searching for our ride because most of the guys were concerned more about their first smoke (ayan, yosi na naman) after flying for 15 hours. Then a fan approached and informed us that our sundo could be the big white van parked right in front of us. When we looked closer, we saw a very small sign on the windshield and it said — “BEAT BULATE.” Ngek! 

 

Sabi na sa inyo eh —“ Smoking is dangerous to your eyes!”

ANO

LAS VEGAS

LSQUO

MDASH

NGEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with