Dahil sa ex, itsapwera na sa gf

Dear Dr. Love,

Ako po si Joel, ang buong akala ko sinagot ako ng gf ko dahil mahal niya talaga ako. Pero sa totoo lang, ginawa lang pala niya akong hingahan ng sama ng loob.

Hindi ko alam na nag-away sila ng bf niya. Actually hindi ko personally kilala ang naunang bf niya.

Ang alam ko may bf siya pero ayaw niyang pag-usapan namin ang nakaraan nila.

Pero talagang nasaktan siya sa ginawa ng bf niya sa kanya, ‘yun ang lagi niyang bukang bibig.

Ako naman, feeling life saver...nakinig ako sa kanya at binuhos ko ang lahat para tanggapin siya.

Pero eto na, nang bumabalik na ang dating niyang bf, hindi niya ngayon ako mabigyan ng panahon na tulad ng dati.

Bigla ang pagbabago niya. Lahat ng ka-baligtaran nangyayari na sa amin. Ang dati niyang lambing ay nawala. Oras at atensiyon ay biglang nawala na rin.

Ayaw ko namang sumbatan siya sa mabu-ting ginawa ko sa kanya. Iniisip ko na lang na kahit minsan, nakasama ko siya at naging bahagi siya ng aking buhay.

Joel

Dear Joel,

Tama ka, mahalaga na naipakita mo sa kanya na isa kang taong may mabuting kalooban. Huwag mo na munang tapusin ang lahat sa inyo. Malay mo, magkagalit na naman sila. Ikaw na naman ang hahanapin niya.

‘Yun lang, depende na sa iyo kung tatanggapin mo pa rin siya. Pero kung mahal mo siya, bakit naman hindi?

Pero mag-reserve ka na rin muna ng panahon para sa sarili mo.

Kung hindi niya maibigay sa iyo ang kanyang pagmamahal, let her go. Kung talagang may nararamdaman siya sa iyo, tiyak na maikukumpara ka niya sa dati niyang bf na ngayon ay bumabalik.

DR. LOVE

Show comments