Asawa na makitid ang pag-iisip

Dear Dr. Love,

Marahil ako na ang pinakamalas na babae sa balat ng lupa na nakapangasawa ng tamad na ay ubod pa ng seloso.

Wala siyang trabaho ngayon at kung nagtatrabaho siya ay agad nate-terminate dahil sa katamaran.

Ako po si Merly, 27 anyos at ang mister ko ay 31 anyos na.

Mabuti na lang at ako ay kumikita sa pagi-ging agent sa bentahan ng lupa.

Sa uri ng trabaho ko, madalas akong nasa labas at nakikipagtagpo sa mga prospective buyers. Kundi ko gagawin ito, hindi ako kikita.

Pero lagi niya akong inaaway kapag ginagabi ako ng uwi.

Naghihinala siyang may lalaki ako. Pitong taon pa lang ang bunso namin at tatlo silang pinapaaral ko.

Sa akin nakapasan ang lahat ng gastos sa bahay.

Minsan, pinagbuhatan niya ako ng kamay nang may nagmagandang loob na kliyente na inihatid ako sa bahay.

Isang linggo akong naglayas at umuwi sa bahay ng kapatid ko.

Sinundo niya ako at humingi ng tawad.  Bumalik ako sa amin sa kondisyong magbabago na siya.

Hindi na niya ako sinasaktan pero binubu-ngangaan pa rin ako sa kaseselos.

Ano gagawin ko?

Merly

Dear Merly,

Subukan mong maging magiliw sa kanya at sikapin na kumbinsihin siyang magtrabaho para hindi ka na maghanapbuhay at wala na siyang rason na magselos.

Kung papayag siya, isama mo siya sa iyong mga lakad at ituro mo ang pasikutsikot sa iyong trabaho.

Kapag natutuhan niya ito, siya na ang maghahanap-buhay. Baka makahiligan niya ang ganyang trabaho na may tsansang maka-hit ng big deal.

Kung kasama ka niya at laging nakikita, tiyak na hindi na siya maninibugho dahil mababatid niyang talagang hanapbuhay lang ang pakay mo sa pag-uwi ng dis oras ng gabi.

Dr. Love

Show comments