Namalikmata?

Dear Dr. Love,

Dalawang taon na kaming kasal ni Tirso. Nang sagutin ko siya, sobrang attracted ako dahil bukod sa guwapo ay very neat siya sa katawan, palaging mabango.

Pero nagbago siya nang matanggal sa trabaho. Sinuntok niya ang staff niya na nagkakalat na mabaho ang kilikili at hininga niya. Totoo na may hindi siya kanais-nais na amoy sa katawan at hininga. Sinabi ko na sa kanya ito noon pero hindi ako pinansin.

Dr. Love, para akong namalikmata lang nang una ko siyang makilala bilang makisig at mabango. Hindi na siya tulad ng dati. Ayaw naman niyang sabihin kung ano ang problema niya. Ano ang dapat kong gawin?

Maring

Dear Maring,

Hindi kaya nalulong sa droga ang mister mo? Ang mga nabanggit mo ay sintomas kasi ng isang nagdodroga. Pagtulog niya, bumunot ka ng isang hibla ng kanyang buhok at ipa-drug test.

Pero maaaring may iba pang posibleng dahilan, bagay na pagsikapan mong alamin para matulungan siyang maayos muli ang kanyang sarili. Sabihin mo sa kanya na gawin ito alang-alang sa inyong pamilya.

Dr. Love

Show comments