^

Dr. Love

‘Bilmoko nang bilmoko’

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Deng. Nag-away kami ni misis dahil sa collection niyang bag. Kabibili lang namin ng bag ilang araw lang, bibili na naman daw siya. May nakita siyang bagong labas ng Gucci. Kahit class A lang ang mahal na rin. “Bilmoko nang bilmoko”.

Sinabihan ko siya kung madadala ba niya sa langit ang mga bag na binibili niya. Nagalit ako dahil ang sagot niya, sa langit hindi na raw kailangan ang bag. Kaya lulubos lubusin na raw niya ang pagbili ng bag dito sa mundo.

Hindi naman sana ako magagalit kaso talagang ang dami na niyang bag, ‘yung iba nakatambak na lang sa kwarto namin. Puno na ang istante niya ng mga bag. ‘Yung iba nga nakaplastik pa at hindi pa niya nagagamit.

Hindi ko habol ang perang ginagastos niya, ang kinaiinis ko sa rami ng bag niya bili pa rin siya nang bili. Sana kahit lima sa isang taon, pwede na kaso, lima sa isang buwan, grabe!

Deng

 

Dear Deng,

Dapat yata ang misis mo ang payuhan ko. Papuntahin mo sa opisina ko para mapakiusapan. Kapag sobrang dami na ang ating collection, ang tawag dun ay luho. Kung ibibenta ni misis mo kapag nagsawa na siya ay mainam. Tulad ng isang collector natin ng toys, nakatulong sa kanila noong panahon ng pandemic. Pero ‘yun nga, kung hindi naman talaga kailangan bumili eh, hinay-hinay lang. Hindi lang sa misis mo ang mensaheng ‘yan. Para rin ito sa mga misis na mahilig mag-collection ng bags.

Ok lang sana kung may pambili, kaso kung bili ka na rin ng bili ay pag-aaksaya na lamang ang ganyang ugali.

Mga misis, dapat marunong din makinig kay mister, hindi kapag gusto...bili nang bili. Ganun din sa mga mister. Matutuo tayong magtipid o kaya tumulong sa mga ibang nanga-ngailangan kaysa ibili ng luho.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with