^

Dr. Love

Huwag maging unfair

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo ako Susan. Hindi ko naman talaga gustong patigilin ang asawa  ko sa pagde-deliver. Nabalitaan ko na hiwalay na ang kababata ko at ang asawa niyang isa ring delivery driver. Ang dahilan ay third party.

Nang malaman ko iyon, nabalingan ko ng galit ang asawa ko. Tinamaan din ako ng duda at selos, baka kasi hindi ko namamalayan ay may inililihim na rin siya at bigla na lang bubulaga sa’kin na may ibang babae na siya.

Simula noon hindi na ako tumigil sa kakapaalala sa kaniya. Naawa rin naman ako sa mister ko, pati siya nadamay dahil sa kalokohan ng lalaking iyon.

Hanggang sa bantaan ko na nga ang mister ko na puputulan ko siya ng kanyang hinaharap, malaman ko lang na may kalokohan siyang ginagawa.

Susan

Dear Susan,

Huwag naman ganun! Unfair ang ganyan sa asawa mo. Kung alam mong mahal ka niya, hindi niya magagawa ang pambabae. Una ang pambabae, magastos. Pangalawa, mahirap itago dahil maraming marites sa paligid ninyo. Pangatlo, ang atensyon at pangangalaga niya ay nasa inyong pamilya.

Tantanan mo ang kakakulit sa kanya at baka marindi siya, at gawin niya mga hinala mo. Para na rin kasing binubuyo mo siya, kahit hindi naman totoo.

Ang mabuti pa ay pagsilbihan mo ng maayos ang iyong asawa para hindi siya maghahanap ng lambing sa iba.

Ipakita mong mahal na mahal mo siya. At huwag masyadong apektado sa buhay ng mga tao sa paligid mo.

DR. LOVE

vuukle comment

SUSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with