^

Dr. Love

Sinusubok ang pagsasama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko matanggap na sa maraming taong pagsisikap naming mag-asawa para makapagpundar, eto at dumating ang pagsubok. Biglang nawalan ng trabaho ang misis ko, kaya namimiligro ang panghulog namin buwan-buwan. ‘

Nakapag-down kami ng bahay gamit ang pakimkim ng mga ninong at ninang namin sa kasal. Nagkakasya naman ang pang-araw-araw namin dahil wala pa naman kaming anak. Tapos nag-endo na siya nito lang nakaraang buwan. Ang masakit dun, hindi siya inabisuhan na kasama pala siya sa mga matatanggal.

Kung minsan talaga hindi patas ang pagkakataon. Hindi kami handa kaya ngayon namumroblema kaming mag-asawa. Wala naman kaming mautangan at nahihiya rin kaming lumapit sa biyanan ko.

Mabuti na nga lang hindi kami sabay na nawalan ng trabaho. Naku, kung magkaganon mas malala ang prolema namin. Mag-iisang taon palang kaming nagsasama. Hopefully makapag-apply na siyang muli sa ibang kumpanya.

Maraming salamat po at ipag-pray po ninyo kami na makagawa kami ng paraan para hindi kami magkautang-utang.

Carl

Dear Carl,

Huwag ka agad panghinaan ng loob. Mas dapat maging pursigido kayo ng misis mo. Konting tipid muna at i-budget ang natitirang pera ninyo. Huwag kang matakot na humiram ng pera kung talagang kailangan. Hindi ba ninyo ini-apply sa PAG-IBIG housing loan ang inyong hulog sa tinitirhan ninyo? Pwede mong i-try o kaya sa mga bangko.

Kailangan mag-focus kayo sa inyong kakayahan at sa mga pwedeng paraan para masolusyunan ninyo ang inyong problema. Sige, pagdarasal ko rin kayo na maging maayos ang inyong financial concerns. Maraming salamat sa pagbahagi mo. Mabuti at natutulungan ka ng asawa mo. Doblehin mo ang iyong effort kung pwedeng mag-sideline ka, mas mainam.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

PAGSUBOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with