^

Dr. Love

Duda sa batang syota

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang retiradong sundalo at sa edad na 65-anyos, natuto pa akong umibig sa isang 28-anyos na may dalawang anak.

Sa kabila ng pagtutol ng aking pamilya dahil sa pangambang lokohin lamang ako ni Myra, niligawan ko pa rin siya at ngayon ay iniisip ko nang pakasalan.

Bukod sa malaking agwat ng aming edad, may kapansanan din kasi ako, Dr. Love. Nung nasa serbisyo pa ako, tinamaan ako ng bala at nakaapekto ito sa aking kakayahang seksuwal.

Para malaman ko ang saloobin ni Myra rito, ipinagtapat ko sa kanya ang kondisyon ko. Ang mahalaga aniya sa kanya ay mahal ko siya at ang kanyang dalawang anak.

Halos lahat ng pamilya ko ay kinausap na ako at sinubukang magbago ang isipan ko tungkol sa pagpapakasal kay Myra, pero saka lang ako nakapag-isip ng husto nang makausap ko ang aking kasamahang sundalo.

Bata rin daw ang naging nobya niya. Nang hindi mabigyan ng kasiyahan sa sex ay naghanap ng iba. Ang masaklap pa, nilimas nito ang lahat ng kanyang naipon kasabwat ang lalaki nito.

Sa pagsisikap na mawala ang pagdududa ko kay Myra, ipinagtapat ko sa kanya ang karanasan ng a­king kasamahang sundalo. Ang sabi niya, tapat daw ang pag-ibig niya, kaya hindi niya magagawa ang ganoong bagay.

Mahal na mahal ko si Myra at ang dalawang bata, ano po ang magagawa ko para ganap  na maalis ang pagdududa ko sa kanya?

Gumagalang,

Eusebio

Dear Eusebio,

Sa palagay ko, ang makakatulong sa’yo ay abogado. Pwede kayong magkaroon ng pre-nuptial agreement kung saan ang mga ari-arian mo habang ikaw ay binata pa ay hindi maaaring panghimasukan ni Myra, maliban sa maituturing conjugal property o mga ari-arian o pondo na mapapasainyo ngayong kayo ay mag-asawa na.

Wala akong idea kung paano ang proper declaration nun, kaya sa lalong madaling panahon ay sumangguni ka sa abogado. Kung walang pagtutol itong tatanggapin ni Myra, maaaring tapat nga siya sa’yo.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

BATA

BUKOD

DEAR EUSEBIO

DR. LOVE

EUSEBIO

GUMAGALANG

MYRA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with