^

Dr. Love

Ligawin ng mga bagets

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa edad kong malapit nang magkuwarenta anyos kay tagal ko nang naghihintay ng binata na babagay sa edad at handang magpakasal sa akin.

Hindi sa wala pa akong naging nobyo, nakatatlo na akong boyfriend pero hindi naman kami nagkakatuluyan dahil ayaw ko ng premarital sex. Naniniwala ako na kasal muna bago magsiping ang babae at lalaki.

Siguro kako, kailangang magbago na ako ng patakaran sa buhay.

Bata pa akong tingnan kahit sa edad kong 37 anyos. Kaya’t sa tulong ng aking mga amiga, lalo pa akong pinagmukhang bata sa pagpapagupit ng maikli at paggamit ng mga modernong pampaganda. Pati pananamit ko ay ginawa nilang moderno, maikli at nagpatingkad sa magandang hubog ng katawan.

Kaya nga lang Dr. Love, sa halip na middle-aged na mga lalaki ang nagpapalipad hangin, puro mga bata ang umaaligid sa beauty ko. Wala pang mga 30 anyos ang mga nanliligaw ngayon sa akin.

Alam kong bukod sa attractive ako, ang isa pang dahilan ng kanilang panliligaw ay ang aking magarang tahanan at sasakyan. Kabaliwan bang masasabi ang pumatol sa isang mas batang lover? Payuhan mo po ako.

Gumagalang,

Carmela

Dear Carmela,

Wala sa edad ang katiyakan ng isang maliga­yang pagsasama at pagmamahalan ng isang babae at lalaki. Ang mahalaga sa pagpili ng mapapangasawa ay kung kapwa nagmamahalan sa isa’t isa ang babae at lalaki.

Sundin mo kung sino ang itinitibok ng puso mo. Mahahalata mo rin naman sa lalaki kung ang pakay lang sa iyo ay ang ari-arian mo at kinikita mo sa trabaho.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

BATA

CARMELA

DEAR CARMELA

DR. LOVE

GUMAGALANG

KAYA

STRONG

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with