^

Dr. Love

Bakit ililihim?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May anim na buwang nagkalabuan kami ni Lester pagkaraan ng isa at kalahating taong mag-on. Pero nagkapaliwanagan kami at nagkasundong ituloy ang aming relasyon. Ang akala ko po kasamang maibabalik ng pagkakasundo namin ang sweetness namin.

Pero nagkamali po ako, dahil kahit ang simpleng pagsagot niya sa mga text messages ko ay hindi niya magawa. Ipinagtataka ko rin po kung bakit sinabihan niya ako na huwag muna ipaalam sa iba na nagkabalikan na kami. Binawalan niya rin akong mag-post ng picture na magkasama kami sa facebook.

Tinanong ko siya kung bakit kailangang ilihim, ang sabi po niya ay mabuti na ang ganon para hindi raw ako dumipende sa kanya. Hindi naman po totoo ‘yun, dahil siya nga ang umaasa sa akin lalo na sa usaping pinasiyal. Nagiging tagahatid at sundo niya rin ako dahil may sasakyan ako.

Iniisip ko po kung dapat pa bang magpatuloy ako sa ganitong relasyon o dapat na akong kumalas sa kanya? Nagkabalikan nga kami pero malayo naman sa isa’t isa. Pagpayuhan po ninyo ako.

Maraming salamat at God bless po.

Gumagalang,

Aileen

Dear Aileen,

Sa pakikipagrelasyon, naroon ang pagmamahal at pagpapahalaga. Kung alin man dito ay hindi mo maramdaman sa iyong karelasyon, naglolokohan na lang kayo.

Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na makatagpo ng lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal at pagpapahalaga sa iyo. Makipag-break ka na.

DR. LOVE

vuukle comment

AILEEN

AKO

BIGYAN

BINAWALAN

DEAR AILEEN

DR. LOVE

GUMAGALANG

INIISIP

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with