^

Dr. Love

Nagsisisi si Trixie

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hayaan mo munang bumati ako sa iyo ng isang masayang araw gayundin sa bawat sumusubaybay sa iyong column.

Tawagin mo na lang akong Trixie, 21-anyos­ at nag-aaral ng computer secretarial.

Kabi-break ko lang sa boyfriend kong si Cris na tatlong taon kong ka-on. Akala ng mga friends ko, pati ng mga magulang namin ay kami na ang para sa isa’t isa pero mapagbiro ang kapalaran.

Naghiwalay kami dahil sa third party at ‘yun ay sa panig ko. Nasira ang faithfulness ko kay Cris nang magkaroon ako ng ibang boyfriend.

Hindi ko agad ipinagtapat ito at tumagal ng dalawang buwan ang relasyon namin ng isa kong boyfriend hanggang sa malaman niya.

‘Yun ang pinagmulan ng aming pagkaka­galit hanggang ako na lang ang nagpasyang mag-break kami.

Nabalitaan kong hindi pumapasok sa pa­aralan si Cris at sabi ng ilang common friends namin ay lagi siyang lasing.

Sa totoo lang, attracted lang ako sa isang boyfriend ko at hindi ko tunay na mahal. Mahal ko pa rin si Cris. Okey ba na kausapin ko si Cris para magbalikan kami?

Trixie

Dear Trixie,

Makipag-break ka sa boyfriend mo nga­yon at balikan mo si Cris. Masyado niyang dinamdam ang paghihiwalay ninyo at ang ibig sabihin niyan ay mahal ka niya.

Nadala ka lang marahil ng iyong infatuation sa ibang lalaki. Pero sa loob ng tatlong taong relasyon ninyo ni Cris, nakikita kong tunay na para kayo sa isa’t isa.

Makipagkita ka sa kanya at humingi ng tawad.

Dr. Love

vuukle comment

CRIS

DEAR TRIXIE

DR. LOVE

HAYAAN

KABI

LANG

MAKIPAG

MAKIPAGKITA

TRIXIE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with