^

Dr. Love

Sana dalawa ang puso ko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello there. Tawagin mo na lang akong Reggie, 29-anyos at may asawa.

Noong 22-anyos ako, nagkaroon ako ng kasintahan. Tawagin mo na lang siyang Lory. Mahal na mahal namin ang isa’t isa. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang siyang nawala.

Ipinagluksa ko ang pangyayaring ito hanggang sa makilala ko si Lerma na isang midwife.

Kung titimbangin ko ang aking damdamin, mas mahal ko ang nauna kong kasintahang si Lory.

Ngunit nadama ko kay Lerma ang mabilis na pagkapawi ng aking dinaramang sakit dahil sa pagkawala ni Lory. Hanggang sa magpakasal kami nang sumapit ang aking ika-25 na kaa­rawan. Nagkaroon kami ng anak at napamahal na rin siya sa akin.

Ramdam ko’y higit ko na siyang mahal hanggang nasurpresa ako nang isang araw ay may nag-text sa akin. Si Lory!

‘Di ko alam kung kanino niya nakuha ang number ko pero aaminin kong excited ako sa text message niya.

Nagkita kami sa isang fastfood chain na ibang pakiramdam ang nadama ko. Wala pa siyang asawa bagama’t nagkaroon siya ng ka-live-in na hiniwalayan din niya after one year.

Nahahati ngayon ang puso ko. Dumalas ang aming pagkikita. Ngunit naiisip ko ang aking pamilya na ayaw ko ring mawasak. Paano ko hahatiin ang puso ko?

Reggie

Dear Reggie,

Hindi puwedeng hatiin ang puso. May asawa ka na at inamin mong mahal mo na siya ngayon. Kahit may nadarama ka pa kay Lory, hindi ka na malaya at wala ka nang karapatan sa kanya.

Ang mabuti mong gawin ay maglimutan na kayo ni Lory habang maaga bago pa lumalim ang inyong relasyon at humantong sa malagim na wakas ng relasyon ninyong mag-asawa

Dr. Love

 

 

vuukle comment

DEAR REGGIE

DR. LOVE

DUMALAS

HANGGANG

LERMA

NGUNIT

REGGIE

SI LORY

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with