^

Dr. Love

Seloso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang akong Judith. May bf po ako at seven months na kami. Nagkaroon ako ng best friend na lalaki na pinagseselosan niya. Magkaibigan lang po kami nun.

Ayaw po niyang nakikita kami ng best friend ko na nagtatawanan at binibigyan niya ng kahulugan.

Palagi kasing busy sa trabaho ang boyfriend ko kaya pinagbubuhusan ko ng oras ang kaibigan kong lalaki. Pero wala po ’yung ibang kahulugan.

Nung isang gabi ay nag-away kami ng boyfriend ko at minura niya ako. Pinapipili niya ako kung sino ang pipiliin ko. Siya o kaibigan ko?

Mahal ko po siya pero hindi naman masamang makipagkaibigan ‘di po ba?

Judith

Dear Judith,

Masyadong possessive ang boyfriend mo. Kahit mahal mo siya, isipin mo kapag mag-asawa na kayo. Baka may makausap ka lang na ibang lalaki ay bibigyan na niya ng  masamang kahulugan.

Mabuti habang maaga ay nakilala mo siya. Hindi mabuti ang sobrang pagseselos sa isang relasyon, maliban na lang kung may nakikita siya sa iyo na talagang dapat ipagselos.

Dr. Love

vuukle comment

AYAW

DEAR JUDITH

DR. LOVE

KAHIT

MAGKAIBIGAN

MASYADONG

NAGKAROON

NUNG

PALAGI

PERO

PINAPIPILI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with