^

Dr. Love

Nanghinayang sa ex-gf ang ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Wala po akong ibang hinahangad sa ngayon kundi ang makatagpo na nang mapapangasawa ang aking nag-iisang anak, para maranasan ko nang magkaapo bago pa man pumikit ang aking mga mata.

Pero nagkakaroon po ako ng pa­ngamba dahil parang hindi siniseryoso ng aking anak na si Ryan ang tungkol dito. Bagaman ilang babae na ang ipinakilala niya sa akin, kung saan nagustuhan ko si Didith, na simple, maganda, matalino at mapagmahal sa mga magulang…na-shock naman ako dahil bigla na lang silang nagkahiwalay.

Hindi po ako nakatiis kaya nagtanung-tanong ako, nalaman ko sa kinakapatid ng aking anak na sinamantala ng pa­milya ni Didith ang kabaitan ng aking anak. Naging tagahatid-sundo siya at inobliga pa na magbigay ng 1 kabang bigas kada buwan. Kalaunan ay kinumpirma din ito ni Ryan.

Sa nangyari, na-realize ko na hindi pala dapat maging malaki ang takot ko na tu­mandang binata ang aking anak. Dahil­ pi­nakikinggan din pala niya ang mga sina­­sabi ko sa paghahanap ng mapapa­ngasawa.

Salamat sa pagbibigay mo ng panahon sa liham ko, Dr. Love.

Gumagalang,

Mrs. Estelita Santos

Dear Mrs. Santos,

Normal lang ang iyong naging pa­ngamba para sa anak. Pero mas maha­laga na matutunan nating magtiwala sa kanila at laging ibigay ang suporta para mas maging kampante sila sa kanilang mga magiging desisyon. Advance Merry Christmas sa inyo!

DR. LOVE

vuukle comment

ADVANCE MERRY CHRISTMAS

AKING

DIDITH

DR. LOVE

MRS. ESTELITA SANTOS

MRS. SANTOS

PERO

RYAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with